Ito ang pahayag ni Ms. Lani Mercado nang makausap namin siya kahapon, (Sabado) sa cellphone.
"At least, assured na si Jolo na siya ang dad ni Gab, hindi na siya mag-iisip pa ng kung anu-ano. Mawawala na ang agam-agam niya," say ng proud lola.
As of this writing ay hindi pa alam ng buong Revilla clan ang resulta dahil kahapon lang din daw nila nalaman at hindi pa napag-uusapan masyado.
"Tahimik na lang kami, at least positive siya at para ma-korek na rin yung mga iniisip ng iba na negative. So far, okey naman," malumanay pang sabi ni Lani.
At tanda namin ay ilang buwan nang hindi nakikita ng pamilya Revilla si Gab dahil simula raw nung nag-away sina Jolo at ina ng kanyang anak na si Grace Adriano ay hindi na ito ipinakita pa dahil nasundan din ng pag-aaway between Gabs grandparents (Rosanna Roces and Revilla couple).
Kaya naman nung tanungin namin ang mommy ni Jolo during the presscon of QTV, "Siyempre, nami-miss naming lahat, e, anak yun ng anak ko at saka kamukha niya. Iba kasi pag apo. E, wala kaming magagawa kung ayaw ipakita sa amin, basta kami, nandito lang."
By December ang balik ni Jolo ng Pilipinas para sa promo ng pelikulang Exodus na entry for MMFF 2005 at dahil holiday season naman ay umaasa ang pamilya Revilla na magkikita ang mag-amang Jolo at Gabriel.
Bukod daw sa mahal na maningil si Arnold ay hindi pa raw ito kaagad nagsasabi kung puwede ang alaga o hindi kapag may offer nga ito. Yung ibang kilalang manager, pag hindi puwede, hindi talaga, e, siya, nambibitin ng sagot. Tipong akala mo okey na, pag malapit na yung araw na kailangan mo ang talent niya, saka niya sasabihing hindi pala uubra," pangangatwiran ng talent coordinators na nakakausap ng nabanggit na talent manager.
"Yung major sponsor kasi na isang cellphone company, malabong kausap, um-oo na nung una, tapos nung magpa-follow-up na uli ang marketing, hindi na sumasagot.
"Tapos yung mga artistang ka-join sa contest, bale twelve pairs yun, hindi pa confirmed kasi ayaw ng kanya-kanyang managers na may competition kasi pag natalo, nakakahiya nga naman, lalo na kung may name na yung artista.
"Isa pang major problem is sobrang laki ng production cost ng reality dance show na ito, e, aminin natin, walang pondong malaki ang QTV, umaasa palang sa GMA 7. Itinawid na lang kasi malapit na ang November 11. But that particular timeslot na para sa reality show ay open pa rin, so siguro baka maayos din," detalyadong paliwanag sa amin ng GMA 7 executive.
Kaya naman tuwang-tuwa ang buong staff ng Sis dahil muling bumalik sa 10 points ang lamang nila sa programa ni Boy Abunda kaya hindi na nga matuloy ang pagbabu sa ere ng Sis.
"Kung ganito parati ang lamang ng Sis sa Home Boy, nakatitiyak na kami na aabot na ng 2006 ang tatlong hosts, yun naman kasi ang usapan, eh," paliwanag sa amin.
E, bakit idini-deny ng ilang executives ang planong mawawala na ang Sis gayung may usapan pala?
"Siyempre, alangan namang aminin, e, may mga ads pang pumapasok. Pera yun no!" kaswal na sagot sa amin. REGGEE BONOAN