^

PSN Showbiz

No. 1 viewer ng horror films

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Para sa akin ang undisputed Miss Haloween ay si Emma Guevarra, dating sekretarya ni Manay Ethel Ramos at stockholder din daw ng El Oro, dating favorite hangout ng mga movie writers, doon sa Escolta, Manila.

Kaya naibigay kay Sister Emma ang titulong ito, siya ang no. 1 sa mga horror movies. Kahit saan galing-Hollywood, Europe, Asia o kahit Africa basta’t horror film susugod agad sa sinehan.

Si Emma ay nakababatang kapatid ni Dolor Guevarra, pamosang talent manager ng mga kilalang artista tulad nina Eric Quizon at Carmina Villaroel at misis ni Direktor Boots Plata. Mahabang panahon din siyang nag-entertain ng mga movie scribes, doon sa El Oro.

Kapag dumating kami ng hapon doon at wala si Emma, na bihira naman mangyari, tiyak nasa sinehan siya at manonood ng horror movie!

Mula Friday the 13th hanggang Scream, walang pinaligtas si Emma, kahit na nagkaroon pa ito ng maraming sequels. Nang mauso naman ang mga Asian horrors mula sa Indonesia, Korea, China at iba pang kalapit bansa natin, pumila rin para makapanood si Emma.

Kahit mga gawang Pinoy tinangkilik pa rin niya. Pati mga TV shows tulad ng naging TV series na Gabi ng Lagim at Katotohanan o Guniguni pinanood lahat ni Sister. Kaya nga naging idolo rin siya ni Robin Padilla, na unang itinampok at nakilala sa mga horror TV series.

Nang simulan ang Shake, Rattle & Roll movie series, tuwang-tuwa siya. Nakatulong talaga si Emma kaya naging topgrosser ang mga pelikulang ito sa maraming Metro Manila Film Festivals. Paulit-ulit kasi itong pinanood ni Emma at madalas nagsasama pa siya ng mga kaibigan at pamangkin.

Ngayon pa lamang inaabangan na ni Sister ang playdate ng newest Shake, Rattle & Roll. Kahit daw mahaba ang pila, tiyak na manonood siya.

Meanwhile, tuloy ang panonood niya ng mga horror TV shows tulad ng Wag Kukurap, Nginig at Kakabakaboo.

Iba kasi ang thrill na bigay ng mga katatakutan, kahit alam natin na mga likhang isip lamang ang halos lahat ng ito.
* * *
Mapangahas ang hakbang na ginawa ng Black Pearl Band at ang management group ng grupo. Kahit kasi wala pa silang record company na magri-release ng kanilang debut album sa mainstream music market, inilabas na nila ang album na "Black Pearl Band.... Beginnings".

Pawang mahuhusay ang mga myembro ng grupo – Karen Santos, Leni Pasia, Mary Joy Mutya, Vanisa Licop, Mary Ann Mutya at Lope Esclanda na siyang tanging lalaki sa banda.

Pawang magaganda rin ang laman ng Beginnings album na "Bawat Araw", "Gugma", "6 o’ Clock", "Sa Muling Pagpapaalam" at ang carrier single na "Papalapit Sa ‘Yo". Tiyak tutugtugin ang mga kantang ito, kung may record company na magpo-promote.

Sana makakuha agad ng kompanyang magre-release ng kanilang album upang makarating sa higit na maraming tao ang kanilang mga talento.

BAWAT ARAW

BLACK PEARL BAND

CARMINA VILLAROEL

DIREKTOR BOOTS PLATA

DOLOR GUEVARRA

EL ORO

EMMA

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with