Di bagay ang Black Darna costume ni Katrina!
October 30, 2005 | 12:00am
Ipinakita ni Katrina Halili ang mga pasa sa kanyang binti at hita dala ng fight scenes at stunts na ginagawa niya sa Darna. Ibinalik ang character niyang Black Darna at times three ang hirap na dinadanas niya sa taping dahil ginawang tatlo ang character na ginagampanan niya.
Dagdag hirap pa kay Katrina ang pressure in portraying Black Darna. Alam daw niyang maraming nanonood at binabantayan ang mga gagawin niya at kung matatalo niya si Darna.
Naka-costume ng Black Darna si Katrina nang humarap sa amin. Naalala tuloy namin ang nabasang comment sa Internet with regards to her costume. May mga na-disappoint dahil hindi siya lumabas na kasing-sexy ni Angel Locsin. May nakita pang-fold sa kanyang likod na lumalabas pag siyay may fight scene.
"Iyong fold sa likod ko, dahil yun sa mataas ang balakang ko at sobrang higpit ang suot kong bra. Lumalabas ang hindi dapat. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tumataba ako pag si Black Darna na ako. Nagpapayat nga ako ng two weeks bago ako mag-taping pero, tumataba pa rin ako," paliwanag nito.
Ang regrets ni Katrinay hindi niya masyadong napaghandaan ang portrayal niya as Black Darna.
Hanggang pagda-diet at pagba-badminton lang ang nagawa niya. Kung sinabi lang daw ng mas maaga sa kanyay nakapag-aral pa siya ng martial arts.
Nagkita kami ni Pauleen Luna sa presscon/launching ng QTV Channel 11. Kasama siya sa cast ng My Guardian Abby na bida si Nadine Samonte. Nag-thank you ang dalagita sa nasulat naming item sa kanya last Sunday dito sa Pilipino Star Ngayon. Nagbiro kaming hindi namin siya masisiraan dahil nagbabasa pala siya.
Si Pauleen ang may pinakamaraming show sa talents ng GMA-7. Araw-araw siyang napapanood sa Eat Bulaga, Now & Forever at semi-regular yata sa Nuts Entertainment. Sa December, mapapanood din siya sa Etheria pero, hindi pa niya alam ang kanyang role.
Madadagdagan pa ang shows niyat bukod sa My Guardian Abby ng QTV, may mini-series pa sila nina Mark Herras at James Blanco. Kaya, ang tanong namin sa kanya ay kung natutulog pa siya? Oo naman daw at dalawa lang pelikula pa nga ang lagareng sinu-shooting. Mabuti na lang at medyo may kalusugan si Pauleen at hindi agad mahahalata kung pumayat.
Update ito sa nasulat naming pagpasok ni Ara Mina sa Darna bilang si Dyesebel. Ngayong Linggo kukunan ang underwater scene sa San Juan, Batangas at para hindi mapag-iwanan sa galing lumangoy ni Angel Locsin, nag-training ng swimming at scuba diving ang actress for two days kay Jess Lapid.
Ayaw pang ikuwento ang mga eksena nina Ara at Angel pero, maganda raw at sa ilalim ng dagat naman magpo-focus ang Darna. Bukod kay Ara, papasok din sa serye sina Alice Dixson at Rochelle Pangilinan bilang mga sirena rin.
Siguro naman, okey lang kay Ara kung hindi siya first choice sa role ni Dyesebel. Una itong in-offer kay Francine Prieto na nag-beg off dahil hindi marunong lumangoy at naghahanda sa Etheria.
Masama pa rin ang loob ng young actor na ito sa GMA-7. Nang ma-interview kamakailan, sa halip na pag-usapan ang mga plano niya sa career ngayong nasa ibang bakuran na siyay ang pagpapabaya pa rin sa kanya nang iniwang network ang binabanggit.
Hindi lang nakahirit ang mga kausap niyang reporter pero, kung titingnan, mas visible siya noong nasa Ch. 7 pa at di nawawalan ng TV show. Wala mang regular show, panay naman ang guesting niya sa ibat ibang show ng istasyon.
Ibig sabihin lang ng attitude ng young actor, hindi pa rin siya naka-move on kahit matagal na siyang wala sa Siete.
Dagdag hirap pa kay Katrina ang pressure in portraying Black Darna. Alam daw niyang maraming nanonood at binabantayan ang mga gagawin niya at kung matatalo niya si Darna.
Naka-costume ng Black Darna si Katrina nang humarap sa amin. Naalala tuloy namin ang nabasang comment sa Internet with regards to her costume. May mga na-disappoint dahil hindi siya lumabas na kasing-sexy ni Angel Locsin. May nakita pang-fold sa kanyang likod na lumalabas pag siyay may fight scene.
"Iyong fold sa likod ko, dahil yun sa mataas ang balakang ko at sobrang higpit ang suot kong bra. Lumalabas ang hindi dapat. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tumataba ako pag si Black Darna na ako. Nagpapayat nga ako ng two weeks bago ako mag-taping pero, tumataba pa rin ako," paliwanag nito.
Ang regrets ni Katrinay hindi niya masyadong napaghandaan ang portrayal niya as Black Darna.
Hanggang pagda-diet at pagba-badminton lang ang nagawa niya. Kung sinabi lang daw ng mas maaga sa kanyay nakapag-aral pa siya ng martial arts.
Si Pauleen ang may pinakamaraming show sa talents ng GMA-7. Araw-araw siyang napapanood sa Eat Bulaga, Now & Forever at semi-regular yata sa Nuts Entertainment. Sa December, mapapanood din siya sa Etheria pero, hindi pa niya alam ang kanyang role.
Madadagdagan pa ang shows niyat bukod sa My Guardian Abby ng QTV, may mini-series pa sila nina Mark Herras at James Blanco. Kaya, ang tanong namin sa kanya ay kung natutulog pa siya? Oo naman daw at dalawa lang pelikula pa nga ang lagareng sinu-shooting. Mabuti na lang at medyo may kalusugan si Pauleen at hindi agad mahahalata kung pumayat.
Ayaw pang ikuwento ang mga eksena nina Ara at Angel pero, maganda raw at sa ilalim ng dagat naman magpo-focus ang Darna. Bukod kay Ara, papasok din sa serye sina Alice Dixson at Rochelle Pangilinan bilang mga sirena rin.
Siguro naman, okey lang kay Ara kung hindi siya first choice sa role ni Dyesebel. Una itong in-offer kay Francine Prieto na nag-beg off dahil hindi marunong lumangoy at naghahanda sa Etheria.
Hindi lang nakahirit ang mga kausap niyang reporter pero, kung titingnan, mas visible siya noong nasa Ch. 7 pa at di nawawalan ng TV show. Wala mang regular show, panay naman ang guesting niya sa ibat ibang show ng istasyon.
Ibig sabihin lang ng attitude ng young actor, hindi pa rin siya naka-move on kahit matagal na siyang wala sa Siete.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended