QTV Ch. 11, sister o rival station ng GMA?
October 30, 2005 | 12:00am
Simula, Nobyembre 11, may bagong free TV channel ang magbubukas. Dito matutunghayan ang mga programang nagtatampok sa mga bituin ng GMA Network. Ito ang QTV Channel 11, ang sinasabing sister station ng GMA pero, hindi kaya sa katagalan ay maging rival network nila ito?
Unang-una, ang lahat ng mga palabas dito ay nagtataglay ng parehong brand ng superior quality na naglagay sa GMA sa kanilang top position ngayon. Inaalala ko lang na baka sa kalaunan ay makalaban nila ito sa top position gayong ang layunin lamang nila ay mailagay ang QTV sa pangalawang posisyon, next to GMA.
Si Melanie Marquez, Im sure walang pagdaramdam na napi-feel sa pagkawala niya sa Showbiz Stripped dahil binigyan siya ng isang magandang palabas, ang Ginang Fashionista na magpapatunay na lahat ng misis ay may pagka-fashionista. Magbibigay siya ng tips sa programa sa mga nanay, magpapakita ng makeovers, mga pagpapaganda na abot kaya ng lahat ng misis.
Si Tessie Tomas ay host ng Pusong Wagi, mga totoong kuwento ng kagandahang loob ng mga taong hirap din sa buhay pero, handang tumulong sa iba.
Bida naman si Nadine Samonte sa My Guardian Abby, tungkol sa isang pink angel na ipinadala sa lupa para mapataas ang level ng kanyang pagka-anghel.
May programa rin para sa mga kabataan, sa mga teens, ang Candies hosted by the second generation teen celebs like Alynna Asistio (Nadya & Boy), Ina Estrada (John & Janice) at Wynwin Marquez (Joey & Alma). Sasabihin ng programa ang whats in and out sa mga kabataang babae.
Kumpletos recados ang QTV Ch. 11, may news, public service, movies, singing contest, at marami pang iba.
May mini fashion show ang Nine Planets Garments sa Huwebes, Nob., 3 sa Metro Bar. Bukod sa mga magagandang apparel na nagsisimula nang kumuha ng atensyon ng mga Pinoy, magkakaron ng concert si Jerome Abalos kasama ang grupo niyang Electric Band. Magiging guest niya sina Aryana, Toni Gonzaga at ang bandang Alamid.
Magsasama sa isang serye ng palabas sa Zirkoh Club Timog sina Jon Santos at John Lapus sa Nob. 4, 5, 11, 12, 18, 19, 25 at 26.
Pinamagatang Ang Ganda, ang concert ay isang katuparan ng pangarap ng marami na makita ang dalawa sa isang tanghalan. Ito ay prodyus ni Pops Fernandez at DSL Production.
Sina Jon at John din ang direktor ng palabas na ginawan din nila ng script. Iispupin nila ang character nina Vilma Santos, Nora Aunor, Rosanna Roces, Dr. Vicki Belo, Cory Aquino, Kris Aquino at marami pang iba. Makakasama nila ang Streetdancers at isang surprise male hunk ang sasama sa kanila gabi-gabi.
Hindi akalain ni Kuh Ledesma na nang may mag-alok sa kanya ng concert at sabihin niyang gusto niyang konsepto ay isang tribute kay George Canseco na matataon ito sa araw ng pagkamatay ng magaling na kompositor.
Pangungunahan ni Kuh ang isang all-star musical tribute na magaganap sa PICC Plenary Hall na pinamagatang Paano Kita Mapasasalamatan. Naging mga creative collaborators sina Kuh at George Canseco. Ang "Ako Ay Pilipino" ang nagsimula ng magandang career ni Kuh na sinundan pa ng mga magagandang komposisyon nito tulad ng "Bulaklak", "Dito Ba" at "Paano Kita Mapasasalamatan", mga awitin na bumubuo at debut album ni Kuh sa Blackgold Records. Sa 10 tracks ng album, walo ang kay Canseco.
Ang iba pang makakasama sa Paano Kita Mapasasalamatan concert ay sina Basil Valdez, Christian Bautista, Zsazsa Padilla, Dulce, Pilita Corrales at Martin Nievera.
Si Martin ang isa sa pinaka-huling nagawan ng awitin ni Canseco. Ito ang theme song ng Nasaan Ka Man, na pinangunahan nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo. May recording din si Martin ng "Ikaw", isang pa ring komposisyon ni Canseco na ini-record una ni Sharon Cuneta.
Isa pa rin sa magiging highlight ng concert ay ang pagtugtog sa harp ni Noelle Cassandra na ipakikilala sa concert.
Para sa tiket, tumawag sa Music Museum (7210635/7216726), Ticketworld (8915610/8919999) at Headline Concepts (5517251).
E-mail: [email protected]
Unang-una, ang lahat ng mga palabas dito ay nagtataglay ng parehong brand ng superior quality na naglagay sa GMA sa kanilang top position ngayon. Inaalala ko lang na baka sa kalaunan ay makalaban nila ito sa top position gayong ang layunin lamang nila ay mailagay ang QTV sa pangalawang posisyon, next to GMA.
Si Melanie Marquez, Im sure walang pagdaramdam na napi-feel sa pagkawala niya sa Showbiz Stripped dahil binigyan siya ng isang magandang palabas, ang Ginang Fashionista na magpapatunay na lahat ng misis ay may pagka-fashionista. Magbibigay siya ng tips sa programa sa mga nanay, magpapakita ng makeovers, mga pagpapaganda na abot kaya ng lahat ng misis.
Si Tessie Tomas ay host ng Pusong Wagi, mga totoong kuwento ng kagandahang loob ng mga taong hirap din sa buhay pero, handang tumulong sa iba.
Bida naman si Nadine Samonte sa My Guardian Abby, tungkol sa isang pink angel na ipinadala sa lupa para mapataas ang level ng kanyang pagka-anghel.
May programa rin para sa mga kabataan, sa mga teens, ang Candies hosted by the second generation teen celebs like Alynna Asistio (Nadya & Boy), Ina Estrada (John & Janice) at Wynwin Marquez (Joey & Alma). Sasabihin ng programa ang whats in and out sa mga kabataang babae.
Kumpletos recados ang QTV Ch. 11, may news, public service, movies, singing contest, at marami pang iba.
Pinamagatang Ang Ganda, ang concert ay isang katuparan ng pangarap ng marami na makita ang dalawa sa isang tanghalan. Ito ay prodyus ni Pops Fernandez at DSL Production.
Sina Jon at John din ang direktor ng palabas na ginawan din nila ng script. Iispupin nila ang character nina Vilma Santos, Nora Aunor, Rosanna Roces, Dr. Vicki Belo, Cory Aquino, Kris Aquino at marami pang iba. Makakasama nila ang Streetdancers at isang surprise male hunk ang sasama sa kanila gabi-gabi.
Pangungunahan ni Kuh ang isang all-star musical tribute na magaganap sa PICC Plenary Hall na pinamagatang Paano Kita Mapasasalamatan. Naging mga creative collaborators sina Kuh at George Canseco. Ang "Ako Ay Pilipino" ang nagsimula ng magandang career ni Kuh na sinundan pa ng mga magagandang komposisyon nito tulad ng "Bulaklak", "Dito Ba" at "Paano Kita Mapasasalamatan", mga awitin na bumubuo at debut album ni Kuh sa Blackgold Records. Sa 10 tracks ng album, walo ang kay Canseco.
Ang iba pang makakasama sa Paano Kita Mapasasalamatan concert ay sina Basil Valdez, Christian Bautista, Zsazsa Padilla, Dulce, Pilita Corrales at Martin Nievera.
Si Martin ang isa sa pinaka-huling nagawan ng awitin ni Canseco. Ito ang theme song ng Nasaan Ka Man, na pinangunahan nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo. May recording din si Martin ng "Ikaw", isang pa ring komposisyon ni Canseco na ini-record una ni Sharon Cuneta.
Isa pa rin sa magiging highlight ng concert ay ang pagtugtog sa harp ni Noelle Cassandra na ipakikilala sa concert.
Para sa tiket, tumawag sa Music Museum (7210635/7216726), Ticketworld (8915610/8919999) at Headline Concepts (5517251).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended