"I am not changing my image, only my songs. Naniniwala kasi ako na ako yung mga kinakanta ko. Yung "Gaano Kalaki" ay parang isang eksperiment lamang. Pero lumaki ito, naging mas malaki pa kesa sa akin. Pero, sa mga lounge acts ko, I sing Broadway and pop songs, serious singer ako.
"Nag-hit din yung second naughty song ko ("Pasumpa-Sumpa". Pero, nang pinapagawa ako ng third recording ay hindi na ako pumayag, tumanggi na ako. Gusto ko na talagang makilala bilang isang serious singer.
"The four years Ive been inactive from the limelight, naghintay lang ako ng tamang panahon, nag-ipon ng mga tamang materyal na magagamit ko para sa susunod kong album. Now I want my little voice, now with depth, to be heard," anang napaka-gandang singer na umaming hindi lamang ang songs niya ang may pagbabago. May pagbabago rin sa kanyang buhay. Galing lamang siya sa isang heartbreak. Natapos na ang pitong taong ugnayan nila ni Hajji Alejandro.
"Walang third party, siguro na-outgrow na lamang namin ang isat isa. Bago ito ay maraming beses na rin kaming naghiwalay at nagbati. But I am not ready to fall in love again," sabi niya sa tinig na bakas pa rin ang kalungkutan.
"Hindi naman ganun kadali ang mag-move on but Ive moved on. Were still friends. Pero, gusto ko siyang pasalamatan dahil nabigyan ako ng respeto sa showbiz nang maging kami."
Maria Lynn Dominguez Velasquez ang totoong pangalan ni Alynna. Ang A sa unahan at hulihan ng kanyang pangalan ay idinagdag lamang para mapahaba ito. Di niya ginamit ang kanyang apelyido para di na siya kailangan pang magpaliwanag kung may relasyon siya sa Asias Songbird.
Nag-aaral siya ng psychology nang tumigil siya para mag-join sa 5th generation ng The Minstrels kasama sina Chad Borja, Dingdong Avanzado, Jinky de Jesus, Kash Gatuslao, Rhizza Tolentino at Dingdong Fernando.
Nung 2001 ay kinuha siya ng Vicor at ginawang isang commercial singer. The rest is history.
Ang "Someone Like Me...Alynna" CD lite ay isa lamang preview ng isang album niya na lalabas sa unang buwan ng susunod na taon. It contains songs like "I Never Dreamed Someone Like You Could Love Someone Like Me", isang remake ng isang 1976 hit; "Reasons of the Heart", isang original song ni Ferdinand Dimadura; "Take a Chance On Me" ni Eric Cabahug at "Yakap sa Dilim" isang cover version ng APO.
Sampung banda ang magtatagisan ng galing para maging kinatawan ng Pinas sa GBOB na gaganapin sa London na may grand prize na US$100,000. Sina Cindy Kurleto at KC Montero ang host.
Magsisilbing judge sina Arni Pettersen, may-ari ng pinakamalaking recording studio sa Norway, Werner Thomasli, drummer para sa maraming Scandinavian blues and rock bands, Jan Andre Heggem, isa sa pinaka-sikat na DJ sa Norway, Randy Santiago, John Lesaca, Heber Bartolome, Jun Alcantara, Asia Brewery VP for Marketing at Wilfredo Casumbal, GBOB Natl. Director.
Si Aiai kasama sa series of concerts ni Regine Velasquez sa Aliw theater na pinamagatang Reflections. Mapapanood ito sa Nob. 4, 5, 11, 12, 18 at 19.
Si K Brosas ay may solo concert sa Music Museum sa Nob. 18 titled K Bro Alive. Makakasama niya ang mga kaibigan niyang sina Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Kyla at Keanna Reeves.
Free concert naman ang drama ni Erik Santos sa Disyembre 3 sa Marikina Riverbanks Amphitheater.
Pinamagatang Paskong Pasasalamat, suportado si Erik dito nina Aiai, Kim Flores, K & the Boxers, Aj Dee at Bianca Gonzales.