Robby Tarroza tinuruan ng leksyon ni Rudy Fernandez

Tapos na ang maliligayang araw ni Robby Tarroza bilang promoter ng show sa Japan. Why? Dahil binugbog siya ni Rudy Fernandez last Tuesday night matapos ma-confirm na sila nga ni Joed Serrano ang nag-plano na ma-detain sina Alma Moreno at Rudy Fernandez sa Japan Immigration at ma-airport to airport sila base sa isang letter na pinadala ni Robby Tarroza sa Japanese Embassy. Ginawa raw ni Daboy ‘yun para turuan ng leksiyon ang dating actor.

Nangyari ang bugbugan sa Viva office kung saan sinugod ni Rudy si Robby noong Martes ng gabi. Nago-office si Robby sa Viva as consultant for International Events and Bookings.

Tatlong araw daw kasing hindi makatulog si Rudy sa nangyaring airport to airport at i-detain sila ng ilang oras sa Japan Immigration last weekend. Kasamang na-detain sa Japan Immigration ang mga anak nina Alma at Joey Marquez kaya galit na galit din daw ngayon si Joey dahil idinamay pa ng dalawang ex-That’s Entertainment member ang mga anak nila ni Alma.

Sina Robby at Joed Serrano ang nagpapadala ng talent sa Japan.

Matagal na raw ginagawa ng dalawang dating member ng That’s Entertainment ang magsuplong ng mga entertainers na nagja-Japan na hindi sila ang promoter.

Si JayR at Jenine Desiderio ay kasama sa mga singer na na-airport to airport nang pumunta rin ang dalawa sa Japan dahil na rin sa sumbong nila Robby and Joed ayon sa source.

Ang manager ni Rudy na si Tita Lolit Solis ang unang nagalit sa nangyari sa grupo nila Rudy. Tinawag niyang Makapili (ang mga taong nagkakanulo sa kapwa Pilipino) sina Robby, Joed Serrano at nadamay si Ms. June Torrejon. Pero agad nagkaintindihan sina Tita Lolit at Tita June matapos sumama ng Viva office si Tita Lolit kay Gorgy Rula para makipag-meeting kina Boss Vic del Rosario.

Si Gorgy Rula ang co-manager ng Viva Artists Agency sa isang Viva Hotmen na sinasabi ni Robby na umalis papuntang Japan na dahilan para sulatan nila ang Japan Embassy na kasama ng grupo nina Alma at nag-iisang nakapasok ngayon sa Japan.

Nang makita ni Tita Lolit ang ginawang sulat ni Robby Tarroza, agad nalinawan ang lahat.

Narito ang sulat:

20 October 2005

Ms. Shuhei Ogawa
Japan Embassy Manila

Dear Ms. Ogawa,

This is to inform you that Michael de Leon (a.k.a Justin de Leon) of Viva Hotmen as of this writing, is on his way to Japan to render his services as a performer tonight at Musikhall Club, Tokyo, Japan, with Rudy Fernandez, Alma Moreno, (Vanessa Lacsamana) and comedian named Hubes (a.k.a Ariel Azarcon). Please be advised that Michael’s booking was not authorized by our Company.

Michael has an Agency and Management Agreement for three (3) years with our Company, Viva Artists Agency Inc. This notwitstanding, Michael was able to secure a booking for an engagement without the consent of our Company.

In view of the foregoing, this ti request for any assistance you may be able to extend to our Company, including stopping Michael from performing in said unauthorized activity.

Looking forward to your kind accommodation.

Very truly yours,
signed
Robby Tarroza

Consultant for International Events and Bookings


Ayon kay Tita Lolit: "Katibayan lang ‘yan na ginagawa talaga nila ‘yan. May malisya ang letter na ‘yun. Ang purpose talaga nila is to stop the show. Kasi makakatapat ng show nina Aubrey Miles and Gary Estrada na dinala nila sa Japan nang hindi nila ipinaalam sa manager (Arnold Vegafria) kaya ayon, binitawan na siya (Gary) ni Arnold," sabi ni Tita Lolit sa interview sa kanilang Professional Artist Managers Incorporated (PAMI) meeting last Tuesday night. "Eh sila Alma lang naman, naimbita sa Japan ng Filipino community doon. Kung magso-show sila, bakit kasama ni Alma ang mga anak niya.

"Si June naman kaya nadamay dahil tinawagan niya si LT," sabi ni Tita Lolit.

"Imagine ang ginawa nilang kahihiyan kina Alma at Rudy. Ang trauma sa mga anak ni Alma, umiiyak ang mga bagets dahil sa gutom pero hindi sila pinayagan na kumain mula 7 pm hanggang 3 am? Isipin n’yo ang naging trauma ng mga bagets?"
* * *
After the bugbugan sa Viva agad na nagtawag ng mga reporter si Robby Tarroza para magsumbong. Base sa kanyang mga interview, nagdi-deny si Robby sa nasabing sulat. Si Justin de Leon (Michael de Leon) ng Viva Hotmen lang daw ang pangalang ibinigay nila sa Japan Embassy. Pero base sa sulat signed by him, isinama ang pangalan nina Alma at Rudy kasama ang komedyanteng si Hubes (a.k.a Ariel Azarcon).

Ang ipinagtataka pa nila, si Justin na supposedly ay isinumbong nila sa embassy ang siyang nag-iisang nakapasok ngayon sa Japan.

Na-airport to airport ang grupo nina Rudy at Alma last weekend. Pagdating pa lang daw nila ng airport, isa-isa nang kinukuha ang kanilang passport at na-hold silang lahat sa Japan Immigration.
* * *
Sa nasabing PAMI meeting, nabuking din na marami palang pinagkakautangang talent manager si Robby Tarroza - sina Arnold Vegafria, Manny Valera at Tita Angge. Pero kay Shirley Kuan ay nakabayad naman siya.

Sinabi ni Tita Lolit sa nasabing meeting na gagawa sila ng decision na kung puwedeng lahat ng hawak nilang artist ay hindi na puwedeng makipag-deal sa grupo nila Robby.

Hawak ng grupo ng PAMI ang malalaking artista sa kasalukuyan.

Magpa-file din sila ng diplomatic protest sa Japanese Embassy para i-clear ang name nina Daboy at Alma.
* * *
Naka-schedule ngayong araw ang pasasalamat ni Direk Laurice Guillen. Pasasalamat at the same time, goodbye na rin as chairman of Film Development Council of the Philippines. Si Mr. Jacky Atienza na kasi ang bagong chairman ng FDCP.

Dati nang chairman ng Cinema Evaluation Board si Mr. Atienza bago siya na-appoint na head ng FDCP.

Speaking of Direk Laurice, nag-walk out pala siya sa awards night ng Cinemanila kamakailan dahil nag-congratulate si Manila Mayor Lito Atienza sa kanyang pinsan as new chairman of FDCP: "Ini-announce niya na ang pinsan niyang si Jacky Atienza ang bagong chairman ng FDCP eh hindi pa raw alam ni Direk Laurice. So nag-walk out siya," said my source na present sa nasabing awards night. Actually, kokonti lang daw ang nakapansin na nag-walk out si Direk Guillen.

Hindi raw kasi na-inform si Direk beforehand na hindi na-renew ang appointment paper niya as chairman of FDCP. Of course, clueless naman si Mayor Atienza na wala pa palang formal announcement ng appointment ni Mr. Atienza kaya nagkaroon ng walkout issue.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments