Narito sa Pilipinas ang grupo para sa ikaapat nilang pagtatanghal. Mapapanood sila sa Araneta Coliseum bukas Oktubre 28, Manila Hotel sa Oktubre 29 at sa Clark Expo Pampanga sa Okt. 30. Huling punta nila rito nung 1997 sa Studebaker sa Makati.
Isa sa mga dahilan kung bakit malapit sa puso ng Pinoy si Gary Lewis ay ang pangyayaring nung una siyang pumunta rito ay nakilala niyat napangasawa si Jinky Suzara, modelong kapatid ni Gemma Suzara, isa sa mga naging dancers sa concert ni Gary. Siyam na buwan din niyang niligawan ang Pinay sa pamamagitan ng sulat at telepono. Nakasal sila, nagkaron ng anak pero di nagtagal ang kanilang pagsasama.
Hindi dahilan ang pagiging hiwalay at malayo nila ni Jinky sa isat isa para mawalan sila ng komunikasyon. Kailan lamang ay dinalaw niya ang mag-ina na sa US na rin naka-based. Thirty four years old na rin ang nag-iisang anak nila at may dalawa na siyang apo rito, isang lalaki at isang babae. Wala raw siyang kamukha sa mga ito. "They look like their father, my son-in-law," sabi niya.
Sixty years old na rin si Gary at walang humpay sa kanyang paglilibot para kumanta.
When asked kung bakit siya kumanta at hindi nag-artista, sinabi niyang gusto niyang magkaron ng sarili niyang identity. Kung nag-artista siya ay matutulad lamang siya sa kanyang ama. Pero kung hindi siya kumanta, baka naging isa siyang teacher ng history.
Tatlong taon siya nang magsimula siyang matutong kumanta sa pagtuturo ng kanyang ina na isa ring magaling na piyanista at singer.
Nakakailang palit na ang The Playboys. After lumabas siya ng army nung 1968 ay paiba-iba na ang The Playboys. Mga tatlong taon lamang nagtatagal ang grupo at pagkatapos ay nag-iiba na ang mga ito ng trabaho. Siya mismo ang humahanap ng makakapalit nila. Ang grupong kasama niya ngayon ay dalawang taon na niyang kasama.
Ang The Ghost Inside ay handog ng Mind Over Matter Entertainment Inc. bilang kanilang unang offering.
Ang unang kwento ay pinamagatang Poso tungkol sa isang pekeng occultist (Aiai delas Alas) na ang trabaho ay makipag-usap sa mga namatay.
Ang ikalawa ay ang Aquarium, tungkol sa isang pamilya na tinatakot ng mga nilalang sa isang aquarium. Tampok sina Ogie Alcasid at Ara Mina bilang mag-asawa.
Ikatlo ang Lihim ng San Joaquin, isang magandang babae ang biglang dumating sa isang natutulog na bayan, nahalina sa kanya ang lahat ng kalalakihan at isa-isa silang namamatay. Tampok si Elizabeth Oropesa.
Tampok din sina Mark Anthony Fernandez, Tanya Garcia (Lihim), Paul Salas, Wilma Doesnt, Reggie Curley (Aquarium) at Gloria Romero, Yasmien Kurdi, Marco Alcaras, Rainier Castillo, Jenine Desiderio, Biboy Ramirez ( Poso).
Ang bagong horror anthology ay pinamagatang Mumbai Thrillers at prodyus sa India.
Mapapanood ngayong 7 NG sa ABC 5.