Timing ang pasok ni Hero sa GMA dahil pwede siyang loveteam ni Jennylyn

Nagmistulang October Fest ang naganap na ika-apat na anibersaryo ng S Magazine at unang anibersaryo ng Inside Showbiz Magazine ng Global Publishing & Entertainment Corporation (GPEC) na ginanap sa The Garden ng SM City North EDSA nung nakaraang Sabado (Oct. 22) ng ika-4 ng hapon hanggang ika-10 ng gabi dahil dinagsa ito ng iba’t ibang banda mula sa iba’t ibang recording companies at mga stars at celebrities na nagmula sa dalawang giant TV networks - ang GMA-7 at ABS-CBN.     

Labinlimang iba’t ibang banda na pinangunahan ng South Border at Orange and Lemons ang nagtagisan ng galing sa pag-awit at pagtugtog at kabilang na rito ang 9th Avenue, Blue Ketchup, Protein Shake, Juana, Escape band, Thor, Dice & K9, The Members, Buttered Cookies, Itchyworms, Hec & The Abacus Band, Soap Dish at Black Pearl Band na nag-launch ng kanilang debut album sa Virgin Cafe nung nakaraang linggo ng tanghali. 

Bukod sa iba’t ibang bands, nag-perform din sina Aiai delas Alas, Marissa Sanchez, Jamie Rivera, Raymond Manalo, Raymond Lauchengco, Eva Eugenio, Pokwang, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, Baywalk Bodies, Jerome Sala, Mabel Bacusmo, Aryana, Jed Madela, Rizza Navales, Michael Cruz, Jona Lumbera, Nikki Bacolod, ang mga finalists ng Search For A Star In A Million, Shane Corpuz (na 2nd runner-up ng Born Diva), Ernie Garcia, Marri Nallos, and Danz Groove at si John Arcilla.  Dahil sa kakapusan ng oras, hindi na nakapag-perform pero bumati na lamang sina Cherry Lou, Glaiza de Castro, Gloc 9, J Brothers, Alecx Pierson, Eva Johnson, Faith Cuneta at iba pa. 

Ang iba pang dumalo para bumati ay ang child star na si Ella Guevara, sina Brad Turvey, Jenny Miller, Mike Tan, LJ Reyes, Dion Ignacio, Efren Reyes, Ma. Isabel Lopez, Hazel Mendoza, Mhyco Aquino, Myco Aytona, Jeane Roxas, Chynna Ortaleza, Janna Victoria, ang Pinoy Big Brothers evictees na sina Rico Barrera, JB Magsaysay, Racquel at Bob at ang Cine Manila International Film Festival two-time best actress na si Ana Capri. 

Ang parish priest ng Holy Trinity Parish ng Village East, Cainta, Rizal na si Rev. Fr. Noel Rabonza III ang nagbigay ng opening prayer para sa anim na oras na marathon show ng GPEC.  Magkakatulong namang nag-host ng programa sina Raymond Lauchengco at Sherilyn Reyes; Lotlot de Leon, Smokey Manaloto at Gary Lim; Alma Concepcion at Chokoleit; John Lapus, Nelson Canlas at ang Love Radio DJs na sina Cris Tsuper, Nicole Hyala at Sexy Terry.  

Sa apat na taong pagdiriwang ng anibersaryo ng S Magazine, ngayon lamang ito binuksan sa publiko sa pakikipagtulungan ng SM City-North EDSA at ng iba pang sponsors. Dahil sa tagumpay ng unang libreng pagtatanghal sa The Garden ng SM City-North EDSA, balak ng GPEC sa kanilang future anniversary events na ilibot ito sa iba’t ibang lugar tulad ng Mega Strip ng SM Megamall, Metrowalk, Eastwood City, Sta. Lucia Grand Mall at iba pang malls ng Metro Manila.
* * *
Saludo kami sa dalawang producers ng debut album ng Black Pearl Band na sina Gng. Lucena M. Ilagan at Malou S. Carpio sa pagkakaroon ng lakas ng loob na ipu-produce ng album ang nasabing band sa kabila na wala pa silang masasandalan na record company.  Malaki kasi ang paniniwala nina Lucy at Lulu sa talent ng band na binubuo ng limang babae at isang lalaki.  Pinuhunanan nina Lucy at Lulu ang recording at promosyon ng album dahil kapwa sila naniniwala na malayo ang mararating ng Black Pearl Band na sila rin mismo ang nagbuo. 
* * *
Although visible na ngayon ang dating Kapamilya na si Hero Angeles sa mga programa ng Kapuso, pero wala pa rin itong pinipirmahang kontrata sa Kapuso Network.

Natuwa si Hero nang magkita sila ng kanyang crush na si Jennylyn Mercado, na gusto niyang makatrabaho.

Timing ang pasok ni Hero dahil magkakaroon na bagong ka-loveteam si Jennylyn kapag nagkataon. 
* * *
Personal: Happy b-day kina Charo Santos at Vic del Rosario, Jr.
* * *
Email: a_amoyo@pimsi.net

Show comments