Ang maganda pa, nakakagimik silang hindi nagpapaalam sa isat isa at hindi nagwo-worry kung sinu-sino ang kasama. Nakakaiwas din sila sa selosang walang katuturan.
Gaya na lamang noong nakaraang Wednesday, October 19, nakita si Jennylyn kasama si Yasmien Kurdi na nag-time out sa hectic nilang schedule. Nagpunta ang dalawa sa Mugen Bar sa Metrowalk, Pasig City. Enjoy ang dalawat nakipag-jamming pa kay Nyoy Volante na may gig that night.
Sinukatan na ng costume sina Dennis at Nadine na gaganap sa role ng young Raquim at Ynang Reyna o Minea respectively, roles na ginampanan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Book 1 ng tele-fantasy.
Naka-schedule na silang mag-taping sa Nov. 15 pero, si Dennis, ayaw pang mag-comment. Puro "Sana matuloy," ang sagot nito nang makausap namin sa taping ng Darna. Nalaman naming kaya ganoon ang reaction nitoy dahil balitang extended na naman up to December 2 ang Darna. Magkaka-problema nga naman siya sa taping.
Incidentally, kapag nakita namin si Nadine, hihingin namin ang comment nito na may Encantadiks (followers ng teleserye) na hindi pabor sa kanya to play Ynang Reynas role. Wala raw siyang royal bearing para bumagay sa papel na ginampanan ni Dawn. Titingnan namin kung ano ang isasagot niya sa comment na ito.
Walang sinabi si Annabelle sa gulo niya with GMA-7 dahil yun daw ang pangako niya kay Atty. Anette Gozon-Abrogar. Saka, may meeting sila this Tuesday para pag-usapan ang conflict na hopefully, agad matapos. Pinapangako siya ni Kris Aquino na after her meeting ay mag-guest uli siya sa The Buzz.
In-announce rin na magiging talent ng ABS-CBN si Ritchie Paul, ang youngest sa Gutierrez brod pero, binawi rin at pag-uusapan pa raw.