Manny Pacquiao, may TV show na!
October 25, 2005 | 12:00am
Marunong tumanaw ng utang na loob si Manny Pacquiao sa kanyang dating manager na si Relly de Leon, kaya nang mabuo ang konsepto tungkol sa isang TV show ay tinanggap agad nito ang offer mula sa prodyuser na sina Mrs. Lolit Ching at Henry Tan.
Ang bagong show to be hosted by Manny ay pinamagatang Sports Idol kung saan ang tema ay tungkol sa ibat ibang klase ng sports na kinahiligan ng mga Pinoy. May ibat ibang segment ang program kung saan kasali ang mga kabataan at mga barangay.
Magsisimula ito ngayong Nobyembre kung saan magiging co-host ni Manny ang magandang si Champagne Morales.
Pangarap ni Manny na mapanalunan ang featherweight title. Kahit na tinalo nito si Barrera ay wala namang titulo yun kundi ang peoples featherweight championship. Pero oras na talunin nito si Marquez ay magiging official na three division champion ito.
Hindi lang sikat at iniidolong boksingero si Manny kundi ratsada rin sa mga komersyal. Mayroon din itong gagawing isang pelikula.
Ang kanyang manager na si Jake Joson ay dati ring action star at naging magkaibigan sila ni Manny for five years at dahil sa pagiging malapit nila sa isat isa ay kinuha niya ito para mag-handle ng kanyang career at trabaho.
Kapana-panabik ang sci-fic adventure na pelikulang Doom sa direksyon ni Andrzej Bartkowiak. Isang martial alien ang pinaghahanap ng grupo ng mga space soldiers sa pamumuno ni commanding officer Semperfi (Dwayne Johnson, aka The Rock) para sugpuin ang pananalakay ng mapanganib na halimaw.
Natuklasan nilang dumami ang mga halimaw dahil nagiging halimaw lahat kapag nakakagat ang biktima nito.
Base ang pelikula sa ID Software, kung saan ineksperimento ng ilang space doctors ang isang kriminal para magkaroon ng 24 chromosomes para maging supersmart ito at superstrong. Kaya lang, nagkaroon ng pagkakamali dahil nagbago ang anyo nito. Dumami sa pamamagitan ng genetic mutation.
Pambihira ang special effects na ginamit sa pelikulang ito ng Universal Pictures na iniri-release naman ng Solar Entertainment Corporation sa UIP.
Bagamat ang tema ng Ispiritista
Itay May Moomoo ay katatakutan ay hinaluan pa rin ito ng katatawanan kaya nag-enjoy ang mga manonood na dumalo sa premiere night noong Sabado sa SM Cinema 3. Magaling ang lahat ng artista mula kay Vic Sotto hanggang sa mga kasamahang artista sa Eat Bulaga na sina Gladys Guevarra, Wally Bayola, Allan K at Jose Manalo. Magaling si BJ Tolits at mahusay na nailalarawan ang ibat ibang klase ng damdamin gaya ng pagkatakot, pagkalungkot o pagiging masaya.
Palabas na ang pelikula sa October 26 mula sa Regal Entertainment at APT Entertainment.
Mukhang bata ngayon ang isang sikat na singer-composer at kahit saan anggulo tingnan kapag umaawit ay parang nabanat ang mukha.
Ayon sa isang taong kakilala nito ay nagpa-botox ang singer kaya nagmukhang bata. Dahil dito ay kinukumbinse din ng aming kakilala ang kanyang alaga na magpa-botox na rin.
Unti-unti nang pumapayag ang alagang sikat na aktor na magpa-botox ang singer-composer dahil na-realize na bilang public property at sikat ding artista ay dapat pangalagaan ang kanilang sarili (maging banidoso) para magmukhang bata.
Sikat ang singer/actor/composer na ito na kung tutuusin ay bata pa naman at di pa kailangan ng botox.
Ang bagong show to be hosted by Manny ay pinamagatang Sports Idol kung saan ang tema ay tungkol sa ibat ibang klase ng sports na kinahiligan ng mga Pinoy. May ibat ibang segment ang program kung saan kasali ang mga kabataan at mga barangay.
Magsisimula ito ngayong Nobyembre kung saan magiging co-host ni Manny ang magandang si Champagne Morales.
Pangarap ni Manny na mapanalunan ang featherweight title. Kahit na tinalo nito si Barrera ay wala namang titulo yun kundi ang peoples featherweight championship. Pero oras na talunin nito si Marquez ay magiging official na three division champion ito.
Hindi lang sikat at iniidolong boksingero si Manny kundi ratsada rin sa mga komersyal. Mayroon din itong gagawing isang pelikula.
Ang kanyang manager na si Jake Joson ay dati ring action star at naging magkaibigan sila ni Manny for five years at dahil sa pagiging malapit nila sa isat isa ay kinuha niya ito para mag-handle ng kanyang career at trabaho.
Natuklasan nilang dumami ang mga halimaw dahil nagiging halimaw lahat kapag nakakagat ang biktima nito.
Base ang pelikula sa ID Software, kung saan ineksperimento ng ilang space doctors ang isang kriminal para magkaroon ng 24 chromosomes para maging supersmart ito at superstrong. Kaya lang, nagkaroon ng pagkakamali dahil nagbago ang anyo nito. Dumami sa pamamagitan ng genetic mutation.
Pambihira ang special effects na ginamit sa pelikulang ito ng Universal Pictures na iniri-release naman ng Solar Entertainment Corporation sa UIP.
Palabas na ang pelikula sa October 26 mula sa Regal Entertainment at APT Entertainment.
Ayon sa isang taong kakilala nito ay nagpa-botox ang singer kaya nagmukhang bata. Dahil dito ay kinukumbinse din ng aming kakilala ang kanyang alaga na magpa-botox na rin.
Unti-unti nang pumapayag ang alagang sikat na aktor na magpa-botox ang singer-composer dahil na-realize na bilang public property at sikat ding artista ay dapat pangalagaan ang kanilang sarili (maging banidoso) para magmukhang bata.
Sikat ang singer/actor/composer na ito na kung tutuusin ay bata pa naman at di pa kailangan ng botox.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended