Pawang mga pop songs sa kanyang maraming multi-platinum albums ang kasama sa At Her Best. Marahil susunod naman ang compilation ng mga very successful inspirational song ni Jamie.
Hey, Its Me ang carrier single song ng Star Records anthology at meron pa itong kasabay na music video. Ang kantang ito rin ang first smash hit ni Jamie, 18 years ago.
Sa mga female recording artists ng bansa, masasabing si Jamie ang isa sa pinakamatagumpay. Lahat ng kanyang mga inilabas na album ay certified multi-platinum. Ang kanyang Jubilee" album ay six-times platinum at bumenta ng almost 300,000 copies.
Kung nailabas sa panahong ito, nasa 10 times platinum na ito o qualified maging diamond record awardee!
Halos lahat ng bagay sa showbiz, nasubukan na niya. Naging bida na rin siya bilang Kim sa successful international stage musical na Miss Saigon.
Ang hindi pa lang nagawa ni Jamie, ang maging commercial endorser sa TV. Nagkaroon na kasi siya ng mga radio commercials. Under Angeli Valencianos Genesis Entertainments management, tiyak na di magtatagal mapapanood na rin natin si Jamie sa TV commercial.
Para sa kanyang At Her Best album, kasama ni Jamie ang mga musicians at arrangers na pinakamahuhusay sa ating bansa Moy Ortiz, Cesar Aguas, Arnold Buena, Mon Espia, Arnold Jallores at Noel Mendes ang ilan sa kanila.
Dahil nga sa nasabing video, hindi na natin sasabihin na si Jamie ay isang singing nun.
Malamang na ang mga susunod pa niyang music video ay higit na provocative, pwera na lang kung inspirational song ito!
Tuwing Miyerkules, main attraction ng one-stop resto Bar ang Pure Sounds, isang pop/jazz group na lahat halos ng mga music lounge at bars sa metro Manila iniikutan.
Punung-puno ang Elbow Room kapag tumutugtog doon ang Pure Sounds.
Huwebes naman ang araw ng Jeffs Crib at pang-Biyernes naman ang Heavy Traffic.