Pauleen, buong linggong mapapanood sa GMA

Pagdating ng December, three times a day natin mapapanood sa telebisyon si Pauleen Luna - tatlo ang kanyang regular show sa GMA-7. Sa tanghali, nasa Eat… Bulaga, sa hapon, Now & Forever siya mapapanood at sa gabi, sa Etheria (Book 2 ng Encantadia). Hanggang Sabado ang Eat… Bulaga at kung nasa S.O.P. Gigsters siya kung Linggo, one week siyang nasa TV. Hindi pa kasama rito ang paggi-guest niya sa Nuts Entertainment at sa ibang show ng network. Tapos, may mini-series pa sila nina Mark Herras at James Blanco sa QTV Ch. 11. Sana nga, hindi uso sa kanya ang over exposure dahil baka makaapekto ito sa kanya. Ang maganda lang rito’y, iba-iba ang ginagawa ni Pauleen sa mga nabanggit naming shows. Advantage rin na walang ka-love team ang dalagita kaya, puwede siyang ipareha kahit kanino.
* * *
Tiniyak ni Ryza Cenon na hindi masisira ang loveteam nila ni CJ Muere sa pagkaka-link niya kay Mark Herras. Ipinarating namin ang pagkabahala ng fans nila ni CJ na baka mabuwag ang tambalan nila dahil sa iba na nadidikit ang kanyang pangalan. Ikinuwento naman ni CJ na nabasa niya ang posted messages ng kanyang fans sa igma.tv at ang iba’y naaawa sa kanya’t wala na siyang ka-loveteam. Nag-self pity daw tuloy siya pero, wala ring maisip na puweding maka-love team kung bubuwagin ang tambalan nila ni Ryza.

Sabay naming kinausap ang dalawa sa last taping ng Stuck in Love episode ng Season 8 ng Love to Love and sad, to say, kumpara kina Mike Tan at LJ Reyes, hindi namin sila kinakitaan ng kahit katiting na sweetness. Nang umiyak ito nang ikuwento ang pagtawag ng ama, walang CJ na yumakap at umalo sa kanya. Sabagay, tama naman si CJ sa sinabing hindi siya nakikialam sa personal life ng ka-loveteam. Wala rin itong maikuwento sa nangyari sa Davao dahil tulog siya at hindi alam ang kontrobersyang kinasangkutan ni Ryza.

Matutuwa lang ang Ryza-CJ fans dahil magtapos man ang L2L, regular pa rin silang mapapanood sa Ay, Robot!, ang sitcom nila sa QTV kasama sina Ogie Alcasid at Sam Bumatay. Pero, sabi ni CJ, saling-pusa lang siya rito’t mas malaki ang role ni Ryza.
* * *
Nanghihinayang si Carlos Agassi na hindi niya makakasama ang 13-year-old brother niyang si Aaron Agassi sa pagpo-promote ng "True", ang carrier single ng album niyang "Amir". Kasama ni Carlos ang kapatid sa nabanggit na kanta at sa "Señorita", isa pang song sa self-produced six-track album.

Under contract sa Universal Records si Aaron at pinagbawalang mag-perform na kasama siya’t mapi-preempt ang big plans sa bagets. Naintindihan ito ni Carlos at happy na siyang makasama ito sa recording.

Very proud sa bago niyang album si Carlos dahil sarili niyang pera ang ginamit dito, mula sa recording hanggang sa promo. Umabot na sa P1.3 million ang kanyang nagastos at ‘di pa kasama rito ang radio promo. Ilo-launch sa ASAP ’05 this Sunday ang album sabay ng launching ng music video ng carrier single. After this, hahataw siya sa pagpo-promote dahil sa October 27, aalis siya kasama ang Hunks for a two-week Hunks US Tour.
* * *
Hindi pa rin napatawad ng young character actress ang hindi sinasadyang pang-ookray sa kanya ng isang baguhang artista. Hindi nito nagustuhan at inakalang ini-ismol siya nang itanong ng newcomer kung bago ang ginawa niyang TV commercial? Na-hurt si young character actress at inireklamo niya ito sa mga kaibigang reporter. Kahit sinabi sa kanya ng reporter na walang intension ang newcomer na okrayin siya, ayaw pa rin niyang maniwala. Iniiwasan niya ang newcomer kahit magkasama sila sa isang TV show. Sa taping, napansin naming hinalikan ni young character actress ang co-stars, maliban si newcomer. Nagtaka rin siguro si newcomer sa ikinilos ni young character actress pero, hindi na nagtanong at binati pa ang nangde-deadma sa kanya.

Show comments