Suportahan din natin ang ating mga palabas sa teatro
October 23, 2005 | 12:00am
Short preview pa lamang ng Aspects of Love na nagtatampok kay Monique Wilson ay talagang naakit na akong panoorin ang musical play na ito na likha ni Andrew Lloyd Webber na siya ring lumikha ng The Phantom of the Opera, Cats, Starlight Express, Evita at Sunset Boulevard. Iilan lamang ang narinig kong awitin pero magaganda, bagaman at nagbabadya ng lungkot.
Tama ang sabi ni Monique na kailangan din nating suportahan ang mga ganitong palabas sapagkat hindi lamang magaganda ito na tulad ng mga sinusuportahan nating mga concerts kundi mas mahaba at mas malawak ang paghahanda na ibinibigay dito ng mga participants, huwag nang sabihin pa na hindi sapat na ikabuhay ito ng mga artistang lumalabas dito pero, isa pa ring hanapbuhay ito para sa maraming taga-teatro.
Ang Aspects of Love ay hindi lamang nagtatampok kay Monique bilang artista kundi bilang direktor din. Pagkatapos nito ay baka matagalan na bago natin siya makitang muli sapagkat may trabaho siyang tinanggap sa ibang bansa kaya matatagalan bago siya makabalik na muli.
Nasa likod ng palabas ang kumpanya ni Monique na New Voice Company na matatawagan nyo para sa tiket sa 8966695/8965497/8990630. Mapapanood nga pala ang Aspects of Love sa Republic of Malate sa Nob 4 hanggang Disyembre 3 with shows every Friday and Saturday nights.
Tampok din sina Jake Macapagal, Lynn Sherman, Roselyn Perez, Leo Rialph at marami pang iba.
Sina Reyson at Carine na ang bagong Close Up endorsers. Nanalo sila kamakailan sa Close Up to Fame reality TV ng ABS CBN.
Sa mga nakaraang taon nakita natin kung paano naging matagumpay sa kanilang pag-aartista ang mga nagsimula sa pagmomodelo ng Close Up toothpaste na sina Gabby Concepcion at Rudolph Yaptinchay nung 80s. Sa ganitong paraan din nagsimula ang Çlose Up models na sina Dale Villar, Robin da Rosa, TJ Trinidad, John Prats, Rafael Rosell, Maike Evers, Karel Marquez, Lisa Rossiter at Mariel Rodriguez.
Sa tagumpay din inaasahan hahantong ang pareha nina Reyson, 22 yrs. old at Carine, 21 yrs. old, na parehong nagtapos sa Ateneo de Davao, management kay Reyson at accounting kay Carine.
Malaki man ang tagumpay na tinatamasa ni Martin Nievera sa ibang bansa, maliit lamang ito kung ikukumpara sa tagumpay na nakukuha ni Gary Valenciano sa Pilipinas, mula sa mga Pinoy.
Dalawampung taon nang namamayagpag ang career ni Gary V dito. Sa taong ito lamang tinanggap niya ang kanyang ikapitong Best Performance By A Male Artist mula sa Aliw. Ginawaran din siya ng FIrst Generations Award ng MTV Pilipinas, para sa mga naging kontribusyon niya sa industriya ng musika.
Ang kanyang "Pure Heart" album na madaling nag-gold, after two months na mai-release ito ay nakapaglabas na ng dalawang single, ang "Ikaw Lamang" at "Destiny" na kung saan ay tampok din si Ella May Saison.
Nakatakdang umalis si Gary patungong US para sa second leg ng kanyang US Tour. Seattle, Washington, Okt. 28; Cache Creek, Calif,. Okt. 30; Tampa, Florida, Nob. 4; Atlantic City, New Jersey, Nob. 5; Pechanga, Calif., Nob. 11 at LA, Nob. 12. Siguradong kakantahin dito ni Gary V ang mga theme songs na naka-paloob sa "Pure Heart" tulad ng "Because of You", "How Did You Know", "Anak", at "Kailangan Kita." Available ang album sa CD at cassette , mula sa Star Records.
Tama ang sabi ni Monique na kailangan din nating suportahan ang mga ganitong palabas sapagkat hindi lamang magaganda ito na tulad ng mga sinusuportahan nating mga concerts kundi mas mahaba at mas malawak ang paghahanda na ibinibigay dito ng mga participants, huwag nang sabihin pa na hindi sapat na ikabuhay ito ng mga artistang lumalabas dito pero, isa pa ring hanapbuhay ito para sa maraming taga-teatro.
Ang Aspects of Love ay hindi lamang nagtatampok kay Monique bilang artista kundi bilang direktor din. Pagkatapos nito ay baka matagalan na bago natin siya makitang muli sapagkat may trabaho siyang tinanggap sa ibang bansa kaya matatagalan bago siya makabalik na muli.
Nasa likod ng palabas ang kumpanya ni Monique na New Voice Company na matatawagan nyo para sa tiket sa 8966695/8965497/8990630. Mapapanood nga pala ang Aspects of Love sa Republic of Malate sa Nob 4 hanggang Disyembre 3 with shows every Friday and Saturday nights.
Tampok din sina Jake Macapagal, Lynn Sherman, Roselyn Perez, Leo Rialph at marami pang iba.
Sa mga nakaraang taon nakita natin kung paano naging matagumpay sa kanilang pag-aartista ang mga nagsimula sa pagmomodelo ng Close Up toothpaste na sina Gabby Concepcion at Rudolph Yaptinchay nung 80s. Sa ganitong paraan din nagsimula ang Çlose Up models na sina Dale Villar, Robin da Rosa, TJ Trinidad, John Prats, Rafael Rosell, Maike Evers, Karel Marquez, Lisa Rossiter at Mariel Rodriguez.
Sa tagumpay din inaasahan hahantong ang pareha nina Reyson, 22 yrs. old at Carine, 21 yrs. old, na parehong nagtapos sa Ateneo de Davao, management kay Reyson at accounting kay Carine.
Dalawampung taon nang namamayagpag ang career ni Gary V dito. Sa taong ito lamang tinanggap niya ang kanyang ikapitong Best Performance By A Male Artist mula sa Aliw. Ginawaran din siya ng FIrst Generations Award ng MTV Pilipinas, para sa mga naging kontribusyon niya sa industriya ng musika.
Ang kanyang "Pure Heart" album na madaling nag-gold, after two months na mai-release ito ay nakapaglabas na ng dalawang single, ang "Ikaw Lamang" at "Destiny" na kung saan ay tampok din si Ella May Saison.
Nakatakdang umalis si Gary patungong US para sa second leg ng kanyang US Tour. Seattle, Washington, Okt. 28; Cache Creek, Calif,. Okt. 30; Tampa, Florida, Nob. 4; Atlantic City, New Jersey, Nob. 5; Pechanga, Calif., Nob. 11 at LA, Nob. 12. Siguradong kakantahin dito ni Gary V ang mga theme songs na naka-paloob sa "Pure Heart" tulad ng "Because of You", "How Did You Know", "Anak", at "Kailangan Kita." Available ang album sa CD at cassette , mula sa Star Records.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended