Unang kanta lang, naintriga agad!
October 22, 2005 | 12:00am
Sean Lim ang pangalan niya, 22 taong gulang isang professional video director, commercial model, fashion photographer, teacher at recording artist.
Yes, mayron na siyang album from Synergy Records na kung saan ay pino-promote niya sa kasalukuyan ang awiting "Hanggang Kailan" na siyang bone of contention ng dalawang composer, isa si Alex Catedrilla na siyang binibigyan ng credit ng nasabing kanta at, ikalawa, si Fernando "Ferdie" Gardon na nagsasabing siya ang talagang gumawa ng kanta na unang ini-record ni Ariel Rivera nung 1996 sa BMG Pilipinas. May patunay siya ng resibong binayaran sa kanya ng BMG para sa royalty ng nasabing awitin. Co-composer niya si Angelo Panti na namayapa na. Nag-file na ito ng reklamo laban kay Catedrilla sa FILSCAP na siyang nangangalaga ng copyrights para sa mga awitin.
Sa kabila ng nasabing kaso, patuloy si Sean sa kanyang promotion ng "Hanggang Kailan" na 2nd single ng kanyang selff-titled debut album. Unang single nito na bumebenta pa rin sa kasalukuyan ay ang "Bastat Sabihin Mo".
Graduate ng isang Multi Media course si Sean sa La Salle St. Benilde. Ito rin ang kurso na itinuturo niya sa Asia Pacific college.
Nakakahanga ang kabataang ito sapagkat siya ang gumawa ng sarili niyang portfolio. Siya ang kumuha ng sarili niyang mga larawan at lahat ng may kinalaman dito ay kanyang ginawa.
Nang makita ko siya sa personal ay medyo nagulat ako dahil naka-platinum blonde hair siya na wig pala pero, sanay na siyang gumamit nito dahilan sa kanyang trabaho bilang fashion model. May sarili rin siyang negosyo, humahawak siya ng isang franchise ng Bench, sa kanyang hometown sa Zamboanga.
Siya rin ang gumawa ng mga music video nina Anna Fegi at Trina Belamide.
Sinasabing si Avi Siwa ang umako sa role na iniwan ni Belinda Bright sa sex comedy play na Private Parts na nagtatampok kina Maui Taylor at Allen Dizon, kasama sina Ynez Veneracion, Myles Hernandez, Wilma Doesnt, Vangie Lavalan at marami pang iba at mapapanood sa Music Museum sa Nob. 30 at Dis. 1. Pero, sinabi ni Avi na iginawa siya ng ibang role sa nasabing play. Yung role ng isang bisexual pseudo intellectual bimbo. "Mayron akong mahabang monologue dito na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan ko nang i-deliver ng maganda," pagmamalaki niya.
Naka-kontrata sa Viva si Avi for three years. Nasa planning stage na ang kanyang launching movie na pinamagatang Coeds Scandal kapareha si Ryan Eigenmann.
Pumayag siyang gumanap ng isang maselan at seksing role sa Private Parts dahil hindi siya tumatanggi sa anumang hamon. "Pero, hindi ibig sabihin na porke pumayag akong mag-seksi ay bold star na ako. Ito ang gusto kong mawala sa isip ng mga manonood, na basta nag-seksi ay bold na," aniya.
Isang negosyante si Avi, may sarili siyang kumpanya na nagpa-plano ng mga events. May pinaghahandaan siyang events na mabibiyayaan ang UNICEF at PETA. Soon, ilulunsad ang sarili niyang model agency.
Dream come true para sa batang sopranong si Kim Flores ang makasama ang Asias Songbird na si Regine Velasquez sa concert series nito sa Aliw Theater na pinamagatang Reflections. Gagampanan niya ang role ng batang Regine sa nasabing mga konsyerto na mapapanood sa Nob. 4, 5, 11, 12, 18 at 19, Guests sina Jonalyn Viray at Aiai delas Alas. Direksyon ni Raul Mitra.
Ang bandang Sugarfree ang kumakanta ng theme song ng Panday, ang maaksyong serye ng ABS CBN na nagtatampok kay Jericho Rosales. Isang komposisyon ito ni Jimmy Antiporda na pinamagatang "Makita Kitang Muli" Naka-release ito sa isang album compilation na pinamagatang "Pinoy Ako" na nagtatampok din sa komposisyon ng Orange and Lemons na may katulad na titulo at theme song ng Pinoy Big Brother.
Yes, mayron na siyang album from Synergy Records na kung saan ay pino-promote niya sa kasalukuyan ang awiting "Hanggang Kailan" na siyang bone of contention ng dalawang composer, isa si Alex Catedrilla na siyang binibigyan ng credit ng nasabing kanta at, ikalawa, si Fernando "Ferdie" Gardon na nagsasabing siya ang talagang gumawa ng kanta na unang ini-record ni Ariel Rivera nung 1996 sa BMG Pilipinas. May patunay siya ng resibong binayaran sa kanya ng BMG para sa royalty ng nasabing awitin. Co-composer niya si Angelo Panti na namayapa na. Nag-file na ito ng reklamo laban kay Catedrilla sa FILSCAP na siyang nangangalaga ng copyrights para sa mga awitin.
Sa kabila ng nasabing kaso, patuloy si Sean sa kanyang promotion ng "Hanggang Kailan" na 2nd single ng kanyang selff-titled debut album. Unang single nito na bumebenta pa rin sa kasalukuyan ay ang "Bastat Sabihin Mo".
Graduate ng isang Multi Media course si Sean sa La Salle St. Benilde. Ito rin ang kurso na itinuturo niya sa Asia Pacific college.
Nakakahanga ang kabataang ito sapagkat siya ang gumawa ng sarili niyang portfolio. Siya ang kumuha ng sarili niyang mga larawan at lahat ng may kinalaman dito ay kanyang ginawa.
Nang makita ko siya sa personal ay medyo nagulat ako dahil naka-platinum blonde hair siya na wig pala pero, sanay na siyang gumamit nito dahilan sa kanyang trabaho bilang fashion model. May sarili rin siyang negosyo, humahawak siya ng isang franchise ng Bench, sa kanyang hometown sa Zamboanga.
Siya rin ang gumawa ng mga music video nina Anna Fegi at Trina Belamide.
Naka-kontrata sa Viva si Avi for three years. Nasa planning stage na ang kanyang launching movie na pinamagatang Coeds Scandal kapareha si Ryan Eigenmann.
Pumayag siyang gumanap ng isang maselan at seksing role sa Private Parts dahil hindi siya tumatanggi sa anumang hamon. "Pero, hindi ibig sabihin na porke pumayag akong mag-seksi ay bold star na ako. Ito ang gusto kong mawala sa isip ng mga manonood, na basta nag-seksi ay bold na," aniya.
Isang negosyante si Avi, may sarili siyang kumpanya na nagpa-plano ng mga events. May pinaghahandaan siyang events na mabibiyayaan ang UNICEF at PETA. Soon, ilulunsad ang sarili niyang model agency.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am