GMA, di feel kausap ang kuya ni Hero Angeles

Hindi sinipot ni Mel Feliciano, floor director ng Wowowee ang unang hearing nila ng Kolokoy Boy na si Cecilio Antonio, Jr. kahapon ng umaga sa Quezon City Prosecutor’s Office Room 414-B under Fiscal Jaime Augusto B. Valencia.

Matatandaang inihabla ng isa sa Kolokoy Boys si Mel sa kasong physical injury dahil sa pambubugbog sa kanya ng wala namang kasalanan ang tao na ginanap sa studio ng programang Wowowee nung nakaraang buwan.

Nagawa pang magbiro ng fiscal na dapat daw ay hindi sa Prosecutor’s Office nagdemanda si Cecilio kundi sa Mandaluyong (National Mental Hospital) dahil bakit daw sinuntok ni Mel ang nabanggit na Kolokoy Boy gayung wala naman itong ginawang masama, baka raw na-aning na si Mel.

Anyway, ang pangalawang hearing ay sa Oktubre 26, 9:30NU kay QC Prosecutor Valencia.

Samantala, tinanong naman namin si Buddy (palayaw ni Cecilio) kung sakaling pag-ayusin sila ni Fiscal Valenzuela ay kung willing ba siyang makipagkasundo kay Mel?

"Hindi ko pa masagot, wala pang sinasabi ang attorney namin sa ngayon," ito ang pahayag sa amin ng inagrabyado ni Mel Feliciano.
* * *
Kaabang-abang ang 10th year anniversary ng Startalk bukas, Sabado dahil finally, maghaharap sa studio sina Jennylyn Mercado, Ryza Cenon at Mark Herras para magpaliwanag na kung ano talaga ang katotohanan sa Marco Polo Hotel Scandal na ginanap sa Davao three weeks ago.

Hihimayin ng mga hosts na sina Joey De Leon, Butch Francisco, Lorna Tolentino at Lolit Solis kung sino sa tatlong youngstars ang nagsasabi ng totoo lalo na si Jennylyn na nag-iisa lang sa labang ito dahil pareho nang nag-deny sina Mark at Ryza.

Finally, live-guest din ng Startalk si Hero Angeles minus his kuya Henry Angeles na kwestiyonable rin kung ipapakita na ang kontrobersyal na release paper niya mula sa ABS-CBN Star Magic. At malalaman din kung magpapalit na ng manager si Hero para may mangyari sa career niya dahil as of now, hindi feel kausap ng GMA 7 ang kuya Henry niya.

At ang revelation ni Phillip Salvador sa kanyang pagkatao dahil oordinahan o na-ordinahan na siya bilang pastor ng kanilang simbahan.

Higit sa lahat, kaabang-abang kung matutuloy pa ring wasakin ang bakanteng silya na intended for Rosanna Roces dahil nasulat na ito before pa at kung anong bagong gimik ang gagawin ng nabanggit na programang iniwan ng dating host.
* * *
Maraming movie producers/directors at tv executives ang nanghihinayang sa isang mahusay na veteran actress dahil hindi na nila ito basta puwedeng isama sa kanilang projects dahil may memory lapses na raw ito.

Ito ang naikuwento sa amin ng kilalang tv executive na gustung-gusto raw nilang kunin ang serbisyo ng beteranang aktres pero sinabihan na raw sila mismo ng pamilya nito na baka hindi na nito magampanan ang mga dating ginawa dahil mali-mali na ito at minsan ay hindi nito kilala ang mga kausap.

Minsan naman daw ay matino itong kausap at tanda pa niya lahat ang mga ginampanan niyang roles noong kainitan niya.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi na ito napagkikita ngayon sa pelikula’t telebisyon, minsan nasasama siya sa mga showbiz events pero nasa background lang.

Mahusay, mataray, mayaman at malaki ang kontribusyon ng beteranang aktres sa movie industry kaya’t gayun na lang ang panghihinayang ng mga kasamahan niya.

Dagdag pa, na may espesyalistang doktor naman daw na tumitingin sa nabanggit na beteranang aktres ngayon para sa kalagayan niya. – REGGEE BONOAN

Show comments