Tampok pa rin sa part 2 ng Enteng Kabisote sina Kristine Hermosa, Alice Dixson, Jose Manalo, Aiza Seguerra, Oyo Boy Sotto, Bing Loyzaga, Jeffrey Quizon, Boy 2 Quizon, Victor Neri, Melanie Marquez, Marianne Rivero at Toni Rose Gayda mula sa direksyon ng boxoffice director na si Tony Y. Reyes.
Si Alice Dixson ang orihinal na gumanap sa papel na Faye sa now-defunct fantasy sitcom na Okay Ka, Fairy Ko na siyang love interest ni Enteng Kabisote na ginampanan naman ni Vic Sotto. Pero sa part 1 at 2 ng Enteng Kabisote, parehong si Kristine Hermosa ang gumanap sa papel ni Faye habang ang role naman ni Ina Magenta ay napunta kay Alice Dixson.
Sa sitcom ng Okay Ka, Fairy Ko," ang yumaong si Charito Solis ang original na Ina Magenta at sa unang Enteng Kabisote naman ay si G. Toengi ang gumanap sa role.
Mas pinalaki pa ng OctoArts at M-Zet Films ang part 2 ng Enteng Kabisote dahil bukod kay Alice Dixson, nadagdag dito sina Victor Neri, Melanie Marquez, Boy 2 Quizon, Jose Manalo, Toni Rose Gayda, Marianne at iba pa.
Nawala naman sa second version ng Enteng Kabisote sina Michael V, G. Toengi, Nadine Samonte at January Isaac.
Kung tatlong taon nang namamayagpag si Vic Sotto sa boxoffice ng Metro Manila Film Festival na kanyang sinimulan sa Lastikman, Fantasticman at Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko, The Legend, muling masusubukan ang puwersa ni Vic sa box office sa darating na MMFF.
Apat na beses sa loob ng isang linggo ang ginugugol ni Mikey sa ikalawang distrito ng Pampanga na siya niyang nasasakupan para personal niyang masubaybayan ang kanyang mga ongoing projects sa tulong ng mga local officials.
Sa kabila ng kanyang pagiging isang public servant, hindi ikinakaila ni Mikey na love pa rin niya ang showbiz kung saan siya unang nagsimula.
Showing na ang kanyang unang movie sa bakuran ng Cine Suerte, ang comedy movie na Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa na tinatampukan din nina Ethel Booba, Katrina Halili, Mike `Pekto Nacua, Salbakuta, Anna Leah Javier, Al Tantay, Cong. Gerry Boy Espina at iba pa mula sa direksyon ni Willy Milan.
Masaya si Mikey sa naging turn-out ng premiere night ng kanyang movie na ginanap sa SM-San Fernando sa Pampanga dahil sinuportahan ito ng husto ng kanyang mga kabalen.
Katunayan, nang dumalo si Ethel sa pocket presscon ng una niyang pelikula, ang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa ay magkasamang dumating ang dalawa, isang senyales na mahal pa rin nila talaga ang isat isa.
Nang maghiwalay sina Ethel at Alex, nakipagbati kay Ethel ang kanyang ina at kapatid na si Boobita kaya masaya ang komedyana. Pero sa darating na Pasko, gusto niyang pagbatiin ang kanyang pamilya at si Alex para maging masaya umano ang kanilang Pasko.
Mahirap daw manimbang sa pamilya niya at si Alex dahil pareho itong mahalaga sa kanya.
Itoy magkakatulong na ihu-host nina Raymond Lauchengco, Sherilyn Reyes, Alma Concepcion, Marissa Sanchez, Smokey Manaloto at Chokoleit sa direksyon ni Lari Asistin.
Ang S Magazine ay isa sa mga produkto ng Global Publishing & Entertainment Corporation (GPEC).