Ara Mina, ipinaglihi kay Sharon

Flattered si Ara Mina nang sabihin ni Sharon Cuneta na siya ang gusto nitong lumabas sakaling isapelikula ang kanyang buhay.

Tinanong namin si Ara kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ng megastar.

"Siyempre sobrang happy ako. May similarity kami laluna noong bago pa lang ako sa showbiz. Kadalasan ay napagkakamalan akong si Sharon kapag nakikita ng mga tao. Sa kanya kasi ako ipinaglihi ni Mommy kaya siguro magkamukha kami," sey ng aktres.

Kasama si Ara sa Shake, Rattle and Roll 2K5 sa episode na Aquarium kung saan asawa nito si Ogie Alcasid.

"Naniniwala ka ba sa multo?" tanong namin.

"Hindi pa ako nakakakita ng multo pero naniniwala ako sa paramdam dahil nang mamatay ang isa naming kamag-anak ay sinusundan-sundan ako ng white butterfly," sey pa nito.
Toni, Hilig Makipaglaro Sa Aso
Hindi mahilig sa nightlife si Toni Gonzaga. Mas gusto nitong sa bahay magpahinga kapag libre sa mga commitment at manood na lang ng TV, pelikula at makipaglaro sa kanyang asong golden retriever. Bata pa ay mahilig na ito sa mga aso.

Mahilig siya sa sporty at casual na kasuotan kaya marami ang nag-aakala na tomboy ito. Mahilig din siya sa rubber shoes at walang nobyo.

Ngayong may nag-aayos na kay Toni, ang laki ng iginanda nito lalo na at nagmi-make-up na ito at puro mga sexy outfit ang isinusuot kapag nagho-host ng Pinoy Big Brother.
Laking Saudi
Nakilala namin ng personal si Mayumi Alba at pwede siyang sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant. Napakaganda ng kanyang balat at may vital statistics na 36-24-36 at may taas na 5’4". Nineteen years old lang ito at kasama sa pelikulang Enteng Kabisote. Interesado din sa kanya si Vic del Rosario at gustong ikontrata ng Viva Films.

Lumaki ang magandang dilag sa Saudi at dahil sa pangarap na maging artista ay isinama siya ng talent manager na si Jojo Veloso.

Crush niya si Jericho Rosales at gusto niyang makasama sa isang pelikula balang araw.
Akala Matalino Siya
Inirereklamo din pala ng director at ilang staff ang TV host na ito. Kadalasan kasi ay di nito sinusunod kung ano ang nakasulat sa script at ang mga gagawin sa guest. Siya ang gumagawa ng sariling spiel kaya madalas ay nasasapawan pa ang kanyang lady co-host. Problema siya ng isang noontime show dahil sa pagiging pasaway.

Feeling ng TV host ay sobrang matalino siya kaya minsan ayaw pakinggan ang sinasabi ng mga bumubuo sa programa kaya madalas pagsabihan ng direktor.

Show comments