Bago tuluyang hindi bumaba ang kilay nyo, ipakilala ko muna si Tara sa inyo.
Kinse anyos lamang siya at mapagkakamalan nyong si Lindsay Lohan. Gusto niyang maging isang rock goddess na di bagay sa kanyang itsura dahil mahaba ang kanyang ash-blonde hair, mapungay ang kanyang mga mata na parang sa isang tuta at matamis ang kanyang ngiti.
Sa Tate isinilang at lumaki si Tara. May kaya ang kanyang mga magulang. Sa murang gulang ay kinakitaan siya ng hilig sa musika, kumuha siya ng lessons sa bass art electric guitar. Marami na siyang nagagawang kanta at umaasam na sana balang araw ay mai-record niya ang mga ito.
Sa kanyang concert sa Music Museum, kakantahin niya ang isa niyang komposisyon na pinamagatang "Misplaced." Ang konsyerto ay naglalayong ipakita sa mundo ng musika, na mayron isang kabataan na naghahangad gumawa ng isang malaking pangalan sa bayan na pinagmulan ng kanyang lahi at itinuturing niyang sariling bansa rin.
Ang Tara: Its My Life na nasa direksyon ni Butch Miraflor ay mabibiyaan ang Bantay Bata Foundation Inc.
Naloloka nga si Vangie sa kanyang role pero, at the same time ay na-challenged siya dahil kailangang i-assert niya ang kanyang sarili sa bunton ng mga nagse-seksihang artista na kasama niya sa play.
Mapapanood ang Private Parts sa Nobyembre 30, at Disyembre 1, 8NG sa Music Museum. Handog ito ng ATD Entertainment Productions, mula sa script ni Jigz Recto at direksyon ni Elwood Perez.
Mabibili ang tiket sa Ticketworld 8919999, National Bookstores, Robinsons Dept. Stores, Tower Records, Glorietta 1, Greenbelt 1 at Music Museum 7216726/7210635. Para sa ibang detalye, tumawag sa 0927-5367911.
Kumanta at sumayaw sina Johnny Delgado, Alma Moreno, Al Tantay, Ana Capri, Erich Gonzales, Sylvia Sanchez, Klaudia Koronel, Rannie Raymundo, Marianne dela Riva, Kookoo Gonzales, Angelo Ilagan, Patrick dela Rosa, Marissa Sanchez, Allen Dizon, pati na rin ang mga bulinggit stars na sina Nikki Bagaporo, Carl John Barrameda, John Manalo, Mile Ocampo at Sharleen San Pedro, pati na ang mga direktor na sina Mae Czarina Cruz, Maryo J. delos Reyes, at ang EP na si Eleanor Rodriguez.