Maipapalabas na rin sa wakas ang pelikulang
Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa na dinirek ni
Willy Milan sa ilalim ng
Cine Suerte. Tampok sa pelikulang ito sina
Mikey Macapagal Arroyo, Ethel Booba, Katrina Halili, Mike Pekto Nacua, Anna Leah Javier, John Apacible, Salbakuta, Biliran congressman
Gerry Boy Espina at marami pang iba. Showing ang nasabing pelikula ngayong Miyerkules, October 19.
Ang pelikulang
Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa ay unang pelikula ng singer-TV host-comedienne na si Ethel Booba kaya excited ito sa nasabing project. Very cooperative din sa promo ang binatang kongresista na si
Gerry Boy Espina na unang pumasok sa showbiz nung siyay sampung taong gulang pa lamang sa pamamagitan ng
Kaluskos Musmos.
Samantala, hindi ikinakaila ng batang kongresista ang kanyang paghanga kina
Toni Gonzaga at
Cindy Kurleto. Nasa tamang edad na rin si Gerry Boy para lumagay sa tahimik.
Masaya ang naging celebrasyon ng ika-sampung taong anibersaryo ng
Startalk. Bukod sa raffle, nagkaroon pa ng games na sinalihan ng mga dumalong entertainment press. Sina
Lorna Tolentino at
Butch Francisco ang nagtulong sa paghu-host habang abala si
Lolit Solis sa pakikipag-tsikahan sa ibang entertainment writers.
Nangako ang
Startalk team na lalo pa nilang pag-iibayuhin ang programa sa susunod pang mga taon at kanilang paninindigan ang kanilang pagiging consistent top-rater.
Bagong karagdagan si
Lea Salonga sa mga celebrity preggies na kinabibilangan nina
Tootsie Guevarra, Sunshine Cruz, Precy Vitug-Ejercito, Harlene, Karla Estrada, Suzy Entrata at iba pa.
First baby ni Lea at ng husband niyang si
Robert Chien ang kanyang ipinagbubuntis ngayon na nakatakda niyang isilang mid next year.
Kahit buntis na si Lea ay patuloy pa rin ito sa kanyang pagku-concert sa ibat ibang lugar sa Amerika. Nakatakda rin siyang magtanghal dito sa Pilipinas ngayong Disyembre.
Ang mag-asawang Lea at Robert ay sa Los Angeles, California na naka-base.
Matagal nang hiwalay ang dating magkasintahang
Ynez Veneracion at
Mon Confiado pero nananatili pa ring close na magkaibigan ang dalawa. Katunayan, tinutulungan pa ni Mon si Ynez sa pagpapagawa nito ng bagong bahay. Si Mon din ang nag-convince kay Ynez na umuwi na ng Pilipinas dahil nakakalimutan na siya rito dahil parati itong nasa ibang bansa. May suspetsa kami na mahal pa rin ni Mon ang dating kasintahan dahil naroon pa rin ang concern nito. Masinop si Mon sa pera at siya ang nagturo kay Ynez kung paano i-handle ang perang kanyang kinikita.
Personal: Congratulations and best wishes sa aking pamangkin na si
Diana Tapia at
Tito Alvarez na ikinasal nung nakaraang linggo sa Fernwood sa Quezon City. Si Diana na isang nurse at accountant naman si Tito ay parehong naka-base na sa Amerika. Umuwi lamang sila ng Pilipinas para dito magpakasal.
E-mail: a_amoyo@pimsi.net