Anyway, 20 years old na pala si Carlo. Parang kailan lang nang mapanood natin siya sa Bata Bata Paano Ka Ginawa. But now sa Tuli, may pumping scene na siya with Desiree del Valle, latest offering ng Digital Viva at kasalukuyang pinalalabas sa ongoing Cine Manila International Film Festival.
Baptism of fire ang pumping scene na yun kaya very uneasy siya sa simula. Pero madali naman daw silang naging comfortable ni Desiree.
After pumping scene, willing siya sa mas daring role. Pero given a choice mas feel daw niyang kumanta. Meron kasi siyang sariling banda.
At once na matuloy ang contract niya sa Viva, kasama sa contract ang album nila sa Viva Records.
Sana nga sa lalong madaling panahon makapag-decide si Carlo kung pipirma siya ng contract sa Viva or babalik siya sa ABS-CBN since binibigyan naman siya ng mga shows like QPids bago mahuli ang lahat.
Mabilis ang panahon at kung hindi pa siya magdi-decide kaagad, baka tuluyan na siyang mawala sa eksena.
Buti na lang at tinanggap niya ang Tuli ng Viva. At least ngayon makikita na ng tao na mature na siya at kaya nang gumawa ng mga serious role.
Meaning interesting ang pelikulang ito.
Puwede raw na ang Hudyo ang nagsimula ng tuli pero hindi ito bukod-tangi sa kultura nating Pinoy.
Practice na sa bansa natin tuwing panahon ng tag-init at bakasyon sa school, nakagawian na, kung hindi man puwersahan, maraming mga bagets na lalaki ang nagpapatuli. Actually sa Bicol ganito ang practice.
Nakasentro ang story ng Tuli kay Daisy (Desiree), anak ng nag-iisang nagtutuli sa kanilang lugar. Yun pala, si Daisy confused sa kanyang gender na hindi niya sinasabi kahit kanino dahil bata pa lang siya ay ipinakasal na siya sa isang lalaking hindi naman niya mahal. Dahil don gustong magkaroon ng freedom ni Daisy. Pero mahirap niyang gawin dahil sa kaugalian sa kanilang bayan.
So nagpabuntis na lang siya sa isang lalaking inalipusta dahil hindi pa raw ito tuli.
Parang makulay ang pelikula.
Ang script ng movie ay ang nanalo sa 1st FSR Screenwriting Competition na si Jimmy Flores.
Si Direk Solito naman kapapanalo pa lang ng gold medal sa prestigious Montreal Film Festival for Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Ang Tuli ay nagsimulang mapanood last October 12 sa selected theaters in Manila.
Eh ang kaso, parang ayaw daw ng kuya ni Hero na si Tito Alfie ang mag-manage.
Maging si Atty. Bonifacio Alentajan, legal counsel nila Hero sa libel case nila ay nag-advice na ipaubaya na lang ni Henry ang pagha-handle ng career ni Hero kay Tito Alfie. Pero hindi pa rin daw nakinig si Henry.
Well, Henry kung gusto mong maka-recover ang career ni Hero hayaan mo nang si Tito Alfie ang mag-handle sa kanya. Mabilis ang takbo ng panahon. Baka bago nyo ma-realize hindi na kilala si Hero. Sayang ang panahon.
Mas malaki ang mawawala sa inyo pag hindi nyo binigay kay Tito Alfie ang pagma-manage sa career ni Hero.
Saka hinihingi raw ng GMA ang release paper ni Hero from ABS-CBN pero wala raw itong maibigay. Sabi raw ni Henry, confidential. Ganun...