^

PSN Showbiz

Release paper ni Hero from ABS-CBN, ayaw ipakita sa GMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nagpa-release pala si Carlo Aquino sa ABS-CBN matapos siyang mag-renew ng contract sa dati niyang mother studio. Wala naman daw kasi siyang project so nag-decide silang ipa-release ang pinirmahan nilang contract. Agad naman daw siyang pinayagan. Ngayon, kino-consider ni Carlo ang pagpirma ng contract sa Viva Films (management contract). Pero pinag-uusapan pa raw kung ilang taon ang pipirmahan niya.

Anyway, 20 years old na pala si Carlo. Parang kailan lang nang mapanood natin siya sa Bata Bata Paano Ka Ginawa. But now sa Tuli, may pumping scene na siya with Desiree del Valle, latest offering ng Digital Viva at kasalukuyang pinalalabas sa ongoing Cine Manila International Film Festival.

Baptism of fire ang pumping scene na ‘yun kaya very uneasy siya sa simula. Pero madali naman daw silang naging comfortable ni Desiree.

After pumping scene, willing siya sa mas daring role. Pero given a choice mas feel daw niyang kumanta. Meron kasi siyang sariling banda.

At once na matuloy ang contract niya sa Viva, kasama sa contract ang album nila sa Viva Records.

Sana nga sa lalong madaling panahon makapag-decide si Carlo kung pipirma siya ng contract sa Viva or babalik siya sa ABS-CBN since binibigyan naman siya ng mga shows like QPids bago mahuli ang lahat.

Mabilis ang panahon at kung hindi pa siya magdi-decide kaagad, baka tuluyan na siyang mawala sa eksena.

Buti na lang at tinanggap niya ang Tuli ng Viva. At least ngayon makikita na ng tao na mature na siya at kaya nang gumawa ng mga serious role.
* * *
Curious akong panoorin ang Tuli dahil ang award winning director na si Auraeus Solito ang director ng movie (Ang Pagdadalaga ni Maximo). Na-approved din ng Movie and Television Review and Classification Board ang nasabing title at higit sa lahat, napalabas sa SM Cinemas na matagal nang hindi nagpapalabas ng sexy movies.

Meaning interesting ang pelikulang ito.

Puwede raw na ang Hudyo ang nagsimula ng tuli pero hindi ito bukod-tangi sa kultura nating Pinoy.

Practice na sa bansa natin tuwing panahon ng tag-init at bakasyon sa school, nakagawian na, kung hindi man puwersahan, maraming mga bagets na lalaki ang nagpapatuli. Actually sa Bicol ganito ang practice.

Nakasentro ang story ng Tuli kay Daisy (Desiree), anak ng nag-iisang nagtutuli sa kanilang lugar. ‘Yun pala, si Daisy confused sa kanyang gender na hindi niya sinasabi kahit kanino dahil bata pa lang siya ay ipinakasal na siya sa isang lalaking hindi naman niya mahal. Dahil do’n gustong magkaroon ng freedom ni Daisy. Pero mahirap niyang gawin dahil sa kaugalian sa kanilang bayan.

So nagpabuntis na lang siya sa isang lalaking inalipusta dahil hindi pa raw ito tuli.

Parang makulay ang pelikula.

Ang script ng movie ay ang nanalo sa 1st FSR Screenwriting Competition na si Jimmy Flores.

Si Direk Solito naman kapapanalo pa lang ng gold medal sa prestigious Montreal Film Festival for Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

Ang Tuli ay nagsimulang mapanood last October 12 sa selected theaters in Manila.
* * *
Kung gusto pa ni Henry, brother ni Hero Angeles na magka-career uli ang kapatid niya, si Tito Alfie Lorenzo na lang ang pahawakin niya ng career ni Hero. Willing naman daw kasi palang kunin ng GMA 7 si Hero Angeles sa isang condition: si tito Alfie ang makikipag-negotiate for Hero. Ayaw daw ng GMA na makipag-negotiate sa Kuya Henry ni Hero.

Eh ang kaso, parang ayaw daw ng kuya ni Hero na si Tito Alfie ang mag-manage.

Maging si Atty. Bonifacio Alentajan, legal counsel nila Hero sa libel case nila ay nag-advice na ipaubaya na lang ni Henry ang pagha-handle ng career ni Hero kay Tito Alfie. Pero hindi pa rin daw nakinig si Henry.

Well, Henry kung gusto mong maka-recover ang career ni Hero hayaan mo nang si Tito Alfie ang mag-handle sa kanya. Mabilis ang takbo ng panahon. Baka bago n’yo ma-realize hindi na kilala si Hero. Sayang ang panahon.

Mas malaki ang mawawala sa inyo pag hindi n’yo binigay kay Tito Alfie ang pagma-manage sa career ni Hero.

Saka hinihingi raw ng GMA ang release paper ni Hero from ABS-CBN pero wala raw itong maibigay. Sabi raw ni Henry, confidential. Ganu’n...
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]

ANG PAGDADALAGA

DAW

HERO

HERO ANGELES

PERO

SIYA

TITO ALFIE

TULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with