^

PSN Showbiz

Iza, mag-o-audition sa Hollywood!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nanonood kami ng Super Friends sa Araneta Coliseum last Friday nang makatanggap kami ng text message mula kay Sunshine Dizon. Ibinalita nitong pumanaw ang maternal grandfather niyang si Leonardo Cansancio noong October 12. In fact, nasa Iloilo siya nang mag-text at sinamahan ang inang si Dorothy Laforteza na namimighati sa pagkamatay ng ama.

Hindi nga lang nakapag-stay ng matagal sa Iloilo si Sunshine dahil kinabukasan, bumalik siya ng Manila para sa taping ng Agos. Hindi siya agad makakabalik dahil may taping pa siya ng Bahay Mo Ba ‘To at Encantadia. Sa Friday pa siya makakabalik para sa Saturday interment ng kanyang lolo.

Tuluy-tuloy ang pagre-report ni Sunshine sa Agos dahil agad nalutas ang problema sa billing. Hindi na umabot sa pagpu-pullout ni Dorothy sa kanya sa afternoon drama series. May karapatan palang makialam ang mommy ni Sunshine sa kanyang career dahil manager din niya ito.
* * *
Isa ang At Your Service Star Power hosted by Iza Calzado sa mga show ng QTV Channel 11. Ikinuwento ng ama nitong si Lito Calzado na napakaganda ng turn over ceremony nina Iza at Rhea Santos na original host ng show sa GMA-7. Personal choice si Iza ng mga bossing ng Ch. 7 at Ch. 11 na mag-host ng AYSSP.

Kinailangang bitiwan ni Rhea ang show dahil sila ni Ivan Mayrina ang news anchor ng news program ng QTV na News on Q at may solo show pa siyang Women’s Desk.

Sa November 11, Friday, ang regular broadcast ng QTV at sa Nov. 21 naman ang grand launching. Malalaman natin kung may mga pagbabago sa AYSSP ngayong si Iza na ang hahawak.

Nag-promise pala si Lito na i-a-update kami sa pag-o-audition ni Iza sa Hollywood. May binanggit si Lito na kilalang tao na tutulong sa anak para makapag-audition kaya lang, hindi namin masyadong narinig kaya, hindi namin naisulat.
* * *
Hindi talaga pabor ang ina ni Kirby de Jesus sa girlfriend nitong si Jolan Veluz ng Sexbomb Dancers. Sa harap ng press (kasama kami), sinabi nitong break na ang anak at si Jolan at may iba nang nililigawan ang anak.

Mabuti na lang at hindi kami naniwala dahil very much on pa sina Kirby at Jolan. Ang mother lang daw ng young actor ang gustong maghiwalay ang dalawa lalo na noong mag-away sa text message sina Kirby at Alvin Aragon, ex-boyfriend ni Jolan. Ayaw ni Maita de Jesus na makipag-away ang anak dahil lang sa babae.

May nagbulong din sa amin na kasalanan ni Jolan kung bakit nag-away ang current at ex-bf niya. Ito pala ang nagsumbong kay Kirby na patuloy siyang tini-text ni Alvin na pinagselosan nito.

"Ang feeling ni Jolan, ang haba-haba ng hair niya’t pinag-aawayan siya ng mga bagets," tsika sa amin ng isang kaibigan na aming ikinatawa.

Sigurado lang kami na kapag nakausap namin ang tatlo, pare-pareho silang magdi-deny. Naku, sanay na kami sa pagdi-deny ng mga artista at hindi na kami nagugulat sa mga nagdi-deny.
* * *
Napabangon sa kanyang pagkakahiga sa kama ang isang controversial actress nang mapanood ang kaaway na actress na ini-interview sa TV. Hindi ma-take ni Actress A ang pagsama sa kanya ni Actress B sa kontrobersyang kinasasangkutan nito ngayon.

Ang hindi pa ikinatuwa ni Actress A, nagsinungaling si Actress B para lang makakuha ng simpatiya sa televiewers. Tanging "Sinungaling talaga ang babaing ito" na lang ang nasambit nito. Ayaw na niyang kontrahin ang kaaway at baka kung anu-anong paninira na naman ang sabihin nito tungkol sa kanya.

Ang importante kay Actress A ngayon, wala siyang problema sa career at kanyang love life. In fact, pinag-aagawan siya ng naggwagwapuhang lalaki na crush ng marami.

vuukle comment

ACTRESS

ACTRESS A

ACTRESS B

ALVIN ARAGON

IZA

JOLAN

KAMI

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with