Sayang at hindi pa kami nakakapag-download ng picture ng binata na para sa amin, mas kahawig ng foreign actor na si Richard Grieco ng TV show na 21 Jumpstreet. "My Baby Bubu" at "My Rockstar" ang terms of endearment ni Toni sa boyfriend. Hindi pa kami nakakapag-online uli para makakuha ng ibang info sa love story nila. Ang huli naming nabasay ang text message ng binata sa fan ni Toni with this message: "My intention towards Toni is pure" na ikinatuwa ng fans ng dalaga.
May dugong Pinoy si Lucho and Im sure, may relatives ito rito. Ibig sabihin, may chance na umuwi siya ng Pinas kasama si Toni. Kapag nangyari kaya yun, ipakilala ni Toni ang present bf kay Dingdong?
Original composition daw ng banda ang kanta from music to lyrics at may influence lang sa "Chandeliers". Noong 1977 pa na-released ang "Chandeliers", ang single sa "Dreams and Emeralds" album ng The Care pero, nadiskubre pa rin. Dahil sa kontrobersyang ito, na-rediscover ang bandat marami ang nagka-interes na pakinggan ang Chandeliers. Makahanap nga ng CD nila sa Tower Records para makumpara ang dalawang kanta.
Inalam ni Actor C kung magiging negative ang dating niya sa tao kapag siyay nag-ober da bakod. Ayaw daw niyang isipin ng tao na pera lang ang rason nang kanyang paglipat. Mas importante sa kanya ang kanyang career dahil alam niyang marami pa siyang ilalabas in terms of acting. Pero, bago lumipat, titiyakin daw muna niyang mabibigyan siya ng regular show sa Siete dahil, matagal na nga siyang walang regular show sa Ch. 2. Saka na ang clue kapag may development na.
Pero, pinaunahan na kami nang nakakaalam ng sikreto ng actress kung bakit nagka-laman ang hips nito. Hindi ito aamin gaya nang hindi pag-amin sa ibang alteration na ginawa sa kanyang mukhat katawan. Nagtataka lang kami kung bakit kinailangan ng actress na ipabago ang ilang parte ng mukhat katawan. Maganda na siya sa original niyang hitsurat puro gwapo ang naging boyfriend na ang ibig sabihin, tanggap siya sa dati niyang hitsura.