^

PSN Showbiz

Antoinette Taus, Fil-Spanish ang ipinalit kay Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
May kapalit na rin si Dingdong Dantes sa puso ni Antoinette Taus. Siya’y ang Fil-Spanish na si Lucho Mendez, 21 years old, green eyes at six footer. Graduate ng College of St. Benilde (dito) ang binata at ngayon ay sa San Francisco na based. Musikero rin ang binata’t sa mga picture nitong nakita namin sa Internet, ang iba’y may hawak siyang gitara’t kumakanta naman si Toni.

Sayang at hindi pa kami nakakapag-download ng picture ng binata na para sa amin, mas kahawig ng foreign actor na si Richard Grieco ng TV show na 21 Jumpstreet. "My Baby Bubu" at "My Rockstar" ang terms of endearment ni Toni sa boyfriend. Hindi pa kami nakakapag-online uli para makakuha ng ibang info sa love story nila. Ang huli naming nabasa’y ang text message ng binata sa fan ni Toni with this message: "My intention towards Toni is pure" na ikinatuwa ng fans ng dalaga.

May dugong Pinoy si Lucho and I’m sure, may relatives ito rito. Ibig sabihin, may chance na umuwi siya ng ‘Pinas kasama si Toni. Kapag nangyari kaya ‘yun, ipakilala ni Toni ang present bf kay Dingdong?
* * *
Hiningi namin ang comment ni director Laurenti Dyogi sa controversy na nagsimula sa Internet. Ito ‘yung isyung gaya sa kantang "Chandeliers" ng UK band na The Care ang theme song ng Pinoy Big Brother na "Pinoy Ako." Ipinagtanggol nito ang Orange and Lemons, ang kumanta ng theme song. Nagpa-presscon at naglabas na raw ng official statement ang banda at sinagot ang akusasyon sa kanila.

Original composition daw ng banda ang kanta from music to lyrics at may influence lang sa "Chandeliers". Noong 1977 pa na-released ang "Chandeliers", ang single sa "Dreams and Emeralds" album ng The Care pero, nadiskubre pa rin. Dahil sa kontrobersyang ito, na-rediscover ang banda’t marami ang nagka-interes na pakinggan ang Chandeliers. Makahanap nga ng CD nila sa Tower Records para makumpara ang dalawang kanta.
* * *
Hindi kami magugulat kung isang araw, mabalitaang Kapuso na ang isang Kapamilyang actor na tatawagin nating si Actor C. Sa interview namin sa kanya, nagpakita ito ng interes na lumipat sa GMA-7 dahil wala raw maibigay na regular TV show sa kanya ang ABS-CBN.

Inalam ni Actor C kung magiging negative ang dating niya sa tao kapag siya’y nag-ober da bakod. Ayaw daw niyang isipin ng tao na pera lang ang rason nang kanyang paglipat. Mas importante sa kanya ang kanyang career dahil alam niyang marami pa siyang ilalabas in terms of acting. Pero, bago lumipat, titiyakin daw muna niyang mabibigyan siya ng regular show sa Siete dahil, matagal na nga siyang walang regular show sa Ch. 2. Saka na ang clue kapag may development na.
* * *
Next time ma-interview namin ang mestisang actress na ito’y sisipatin namin ang kanyang balakang. Pinag-uusapan ng press na bukod sa pagpapa-nose lift at bust enhancement, nagpalagay din ito ng silicone sa kanyang hips para magka-balakang. Kinailangang magpalaki ng hips ang actress dahil nagpa-bust lift ito. Hindi magiging proportion ang kanyang katawan kung malaki ang kanyang boobs, tapos wala siyang hips.

Pero, pinaunahan na kami nang nakakaalam ng sikreto ng actress kung bakit nagka-laman ang hips nito. Hindi ito aamin gaya nang hindi pag-amin sa ibang alteration na ginawa sa kanyang mukha’t katawan. Nagtataka lang kami kung bakit kinailangan ng actress na ipabago ang ilang parte ng mukha’t katawan. Maganda na siya sa original niyang hitsura’t puro gwapo ang naging boyfriend na ang ibig sabihin, tanggap siya sa dati niyang hitsura.

ACTOR C

ANTOINETTE TAUS

COLLEGE OF ST. BENILDE

DINGDONG DANTES

DREAMS AND EMERALDS

KANYANG

LAURENTI DYOGI

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with