^

PSN Showbiz

St. Louis Loves Dem Filipinos ipalalabas muli!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Nakakatuwa naman ang balitang ipalalabas uli ang hit stage musical na St. Louis Loves Dem Filipinos at sa isang malaking venue pa!

Sa karamihan kasi ng mga nanood ng musical play na sinulat ni Floy Quintos at dinirek ni Alex Cortez, nanghihinayang na sa isang maliit na lugar, ang Wilfredo Ma. Guerrero Theater sa UP, lamang ito naipalabas.

Ngayon higit na maraming mga tao ang makakapanood ng St. Louis Loves Dem Filipinos sa pagtatangghal nito sa Aguinaldo Theater ng AFP sa November 18, 19, 20, 24, 25 at 26.

Sa muling pagtatanghal, wala pa rin itong big name stars, sa halip ay mahuhusay na stage actors na kayang-kayang gampanan ang iba’t ibang karakter sa dula. Ang mga kanta dito pati na ang musika, maganda at talagang tumatagos sa puso at damdaming Pinoy. Kaya naman sa palabas nito sa UP Diliman ng kung ilang linggo, patuloy na dinumog ng mga manonood.

Sa kabuuan ng stage musical, hindi rin mapipigilan ang pagluha, dahil na nga sa magandang istorya nito na nangyari pa sa pagpapadala ng mga Pinoy sa St. Louis World Esposition noong 1904.

Para sa November run ng play, ang Librettist na si Floy Quintos, ang composer na si Antonio Africa at si Director Alex Cortez ay medyo inigsian ito. Ang dating three acts ay naging dalawa na lang.

Ang mga pagkanta sa bagong version ay aakompanyahan ng UST Symphony Orcestra sa baton ni Prof. Africa mismo. Ang dati kasing palabas sa UP, minus one lang ang ginamit nila.

May konting pagbabago din sa cast. Nadagdag ang singer na si Franco Laurel at ang TV host na si Joaquin Valdes na magpapalitan sa papel na Fred Tinawid, ang third-generation Fil-American na siyang narrator ng istorya. Ang papel na ito ay unang ginampanan ni Jake Macapagal.

Ang papel ng mabait na anthropologist na unang ginampanan ni Leo Rialp at gagampanan ni Glenn Gaerlan.

Ang lead role ng Bagobo chieftain na si Bulan, pagpapalitan pa rin gampanan nina Miguel Castro at Arnold Reyes. Ginampanan naman ang kanilang original roles nina Rina Saporsantos at Agnes Barredo bilang Maude, Mae Ann Valentin na asawa ni Bulan na si Momayon, James Paotell as Gen. Clarence Edwards at sina Raffy Tejada at Don Karingal bilang Bontoc chief na si Antonio.

Ang muling pagpapalabas ng St. Louis Dem Filipinos ay tuwing alas-8 ng gabi. Magkakaroon ng matinee shows sa alas-3 ng hapon sa Nobyembre 19, 20 at 26.

Sana matupad din ang isa kong hiling na ma-release sa isang CD ang original soundtrack ng St. Louis Loves Dem Filipino. Pwede kasing maging commercial hits ang ilang piling komposisyon dito.

AGNES BARREDO

AGUINALDO THEATER

ALEX CORTEZ

ANTONIO AFRICA

ARNOLD REYES

BULAN

CLARENCE EDWARDS

DIRECTOR ALEX CORTEZ

FLOY QUINTOS

ST. LOUIS LOVES DEM FILIPINOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with