One and a half months sa Langkawi at Kuala Lumpur sa Malaysia si Gary at tinapos ang one season o 13 episodes telesine. Pinasunod niya roon ang asawat anak at ina dahil na-miss niya ang mga ito at para iluto siya ng pagkaing Pinoy.
Pagkatapos ng telesiney, ginawa naman ni Gary ang Kristina, isang British produced and directed movie. Nanghinayang lang si Gary dahil yung eksena niyay sa Calatagan, Batangas kinunan at hindi sa United Kingdom.
Nang ipakita ni Gary ang picture ng three-year-old daughter nila ni Bernadette Allyson na si Garielle Bernice sa kanyang mobile phone, naalala namin si Kiko, ang anak nila ni Cheska Diaz.
Trese anyos na ang kanyang panganay at grade seven sa Colegio de San Agustin. Malapit na itong pumantay sa height niya. Every weekend, nasa kanya ang bagets at kasundo nito si Berna at si Garielle. Natawa ito nang banggitin naming hindi halatang may teenager na siyang anak.
"Proud ako kay Kikot nasa varsity team ng basketball siya. Pinagkakaguluhan siya ng schoolmates niya at may nagpapapirma pa ng autograph. Ayaw ko silang pag-artistahin ni Garielle," sabi ni Gary.
Kasama sa pagpapakasipag ni Gary sa trabahoy para matupad ang dream na maisama nila ni Berna at Garielle si Kiko sa Los Angeles para roon mag-celebrate ng Pasko. First time raw niya makakasama sa ibang bansa ang panganay.
Paano nangyari yun, eh, ang laki ng name niya at una pa ang picture niya sa poster ng Ayuyz. Imposible namang hindi siya kinausap ng producer at hindi alam na may iba siyang lakad.
Madi-disappoint ang friends naming fans ni Aiza na nagbabalak panoorin ang concert dahil lang sa kanya. Siguro naman, by this time, may linaw na sa isyung itot marami ang interesadong manood.
Hindi kami magugulat kung after Ryza, kay Pauleen Luna uli ma-link si Mark. Sila ang magkapareha sa telesine na kukunan sa Hongkong at ididirek ni Kitchie Benedicto. This Sunday ang alis ni Pauleen at di lang kami sure kung kasama niya si Mark. Six days sa HK ang grupo at pagbalik, tiyak na maraming tsika.