^

PSN Showbiz

Film festival, di nakakatulong sa industriya

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Malapit na naman ang Metro Manila Film Festival, pero ano man ang sabihin nila, mukha ngang hindi na ito nakatutugon sa talagang intensiyon nang simulan ang MMFF na ‘yan.

Noong magsimula ng Manila Film Festival si Mayor Antonio Villegas noong araw, ang nasa isip niya ay mailabas sa mas marami at magagandang sinehan ang mga pelikulang Pilipino na noon ay kontrolado ng mga pelikulang dayuhan. Naniniwala siyang kailangan lang mabuksan ang mata ng mga Pilipino sa katotohanan na may mga mahuhusay tayong mga artista at direktor.

Noon namang mas palawakin pa ang festival at gawin sa buong Metro Manila noong 1975, ang talagang intensiyon ng noon ay Metro Manila Governor na si First Lady Imelda Marcos, at ng noon ay pangulo ng PMPPA at Mayor ng San Juan na si Joseph Estrada ay makalikom sila ng halaga para pondohan ang Mowelfund, ang foundation na tumutulong sa mga manggagawa sa industriya ng pelikula.

Ngayon hindi na kailangan ng exposure ng pelikulang Pilipino. Hindi rin naman sa Mowelfund napupuntang lahat ang kinikita ng festival. Katunayan, mas malaki ang gastos nila sa pagdaraos ng festival na yan kaysa sa napupunta sa mga beneficiaries. Kaya nga masasabing festival ay hindi na nakakatugon sa talagang layunin noon.

Hindi na rin iniisip ngayon kung ano ang magagandang pelikula. Basta kung ano ang kikita, kahit na pangit, iyon ang ipinapasok nila. Nangingibabaw din ang monopolyo ng iilang producers lamang, hindi na kagaya noong dati na lahat ay binibigyan ng pagkakataong makasali.

Sa ngayon wala na ngang magagawa, pero naniniwala kaming dapat mapag-aralang muli ang set up niyang Metro Manila Film Festival, para yan ay makatugon sa mga problema ng industriya ng pelikulang Pilipino. Kung mangyayari rin nga ang panukalang batas naipanasok ni Congressman Teddy Locsin sa kamara na naglalayong buwagin na yang MMDA, mas magiging maganda yon para sa pagbabago ng set up niyang festival na iyan.
* * *
Nagkagalit na naman daw sina Mark Herras at Jennelyn Mercado. Aywan nga ba kung bakit parang nagiging aliwan na nila ang mag-away. Kung natutuluyan naman ang away pilit din silang pinag-aayos dahil alam ng mga tao na maaapektuhan ang kanilang popularidad, lalo na nga si Mark. Ganoon naman talaga ang loveteam eh,ang lalaki ang mas naaapektuhan kung nagkakahiwalay na.
* * *
Iyong isang male star pa mismo ang nagtsismis na kaya naman daw siya nawalan ng gana sa isang female actress na mas matanda sa kanya pero talagang naging syota niya ay dahil natuklasan niyang kahit na silang dalawa ang magkasama sa isang date, ang nasa isip pa rin noon ay ang isa pang aktor na naging boyfriend din noong araw. Kahit na nga iniwan din ng aktor na yon ang female star, at nag-asawa sa iba, ay siya pa rin ang laging nasa isip ng female star. Dahil doon ay nainis ang mas batang aktor at inisplitan ang syota niyang mas matanda ngang aktres.

CONGRESSMAN TEDDY LOCSIN

FESTIVAL

FIRST LADY IMELDA MARCOS

JENNELYN MERCADO

JOSEPH ESTRADA

MAS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with