Nang sumunod na araw, si Happy Rivera ang nagsampa ng demanda laban kay Aiko. Si Happy ay anak ng aktres na si Liberty Ilagan. Sinabi rin naman niyang siya ang siyang nabastos at nasaktan sa insidenteng iyon.
Tiyak na maghaharap ng kanya-kanyang testigo ang magkabilang panig. Siguro kung may ebidensiya nga silang maipapakita, iyon ay ilalabas na rin nilang lahat. Malaki na ang gulo at sa nakikita namin, hindi lang sa korte ang labanan kung di maging sa media rin.
Palagay namin hindi naman dapat na lumaki ng ganyan ang problema. Naniniwala kaming siguro nga mapag-uusapan nila ang mga bagay na iyan at maaayos din. Masyado nang masikip ang ating mga korte sa kung anu-anong kaso, at iyang mga ganyang maliliit na problema, kung kaya rin namang ayusin sa labas ng korte, bakit pa nga ba kailangang paabutin sa ganyan?
Kahit na yang si Happy ay hindi naman artista, iyong katotohanan na artista ang nanay niya ay itinuturing na nga rin siya ng marami na kasamahan sa mundo ng showbiz. Sa panahong ito, palagay namin mas maganda kung magkakasundo ang lahat ng mga tao sa showbusiness. Hindi yang ganyang sila-sila ay nagdedemandahan.
Sensitive talaga si Sharon sa mga ganyang bagay, dahil alam naman niya ang tinatakbo ng career ng isang artistang kagaya niya ay nakasalalay din naman sa kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa. Kung mahirap na nga ba naman ang buhay eh, sino pa ba ang manonood ng sine, at sino pa ang bibili ng CD?
Iyon nga siguro ang kaibahan ni Sharon, sensitibo siya sa kalagayan ng mas nakararami sa atin.
Pero sabi pa ng aming source, hindi mabili ang male star sa mga matrona dito, kasi patagu-tago pa siya sa kanyang ginagawa, eh ang mga matrona nga raw dito, gusto nila naidi-display nila ang mga ka-date nilang pogi.