One issue raised now is the Big Switch. Since forced eviction ang nangyari kay Bob (dahil sa unstable health condition nito), a new housemate is being considered na pumalit kay Bob.
"Malinaw sa rules na pwede ang previously evicted housemate na pumalit. We do not and we are not violating rules. All our decisions in the show are within the rules and upon consultation with Big Brother and Endemol," paliwanag ni Direk Lauren.
Narito ang portion ng Big Brother handbook na naglalaman ng rules and regulations tungkol sa pagpasok ng isang housemate.
"A new housemate may be called in to replace any person who leaves voluntarily or who has been disqualified by Big Brother. This replacement could be a former housemate who had previously been evicted. When this happens, and when a new person comes in, the following rules apply.
The current housemates cannot ask any questions about the outside world.
The new housemates cannot report any news about the outside world.
The current housemates have to help the new housemates acclimatize to their new and strange environment.
The new housemate will not receive the full prize money. His/her cash prize will be computed based on the length of stay in the Big Brother house.
The new housemate is exempt from the next nomination round.
Gusto lang ipaalam ni Direk Lauren na kailanman ay hindi sila nag-violate ng rules ng Big Brother. "We are doing our best to be fair and just," sabi nito.
Malinaw namang gusto lang umeksena ni Amalia sa isyu. Ipinamamarali niyang ordinary citizen siya kaya malaya siyang makapagsasalita sa isyu. E malinaw namang hanggang ngayon ay may galit pa siya sa butihing konsehala ng Quezon City. Kaya hindi mo paniniwalaan ang kanyang mga salita.
Luma ang isyung binibitiwan ni Amalia about Aiko. Walang bago at hindi interesting.
Sa totoo lang, dahil sa ugali ni Amalia Fuentes, hindi mo magagawang irespeto siya. Ibang-ibang siya sa mga former movie queens tulad nina Susan Roces, Gloria Romero at Vilma Santos. Kung si Susan Roces ay national issue ang ipinaglalaban, si Amalia ay isang isyu ng di pagkakaunawaan sa Greenbelt.
Ms. Amalia Fuentes, piliin mo naman ang ginagawa mong pakikipaglaban. Sana naman ay yung may katuturan para sa bayan o kahit sa industriya man lang ng showbiz.
Hay, naku ang ibang tao talaga. Makapag-ingay lang. Whew!