"Iba kasi pag may magic ang pelikula, nai-enjoy ng mga bata. Mahirap gawin pero, makikita mo naman ang kasiyahan ng mga manonood," ani Vic.
Tulad ng panahon, umuusad din ang teknolohiya, minamani na lamang natin yung paglipad-lipad, pagiging invisible o morphing (pagpapalit-anyo). Tulad ng sa Ispiritista: Tay May Moomoo!, na isang horror comedy, maraming mga multo at ispiritong transparent, lumulusot sa pader o maging sa tao. "Mahirap para sa aming mga artista dahil di namin nakikita ang ka-akting namin pero, dapat iakting namin na parang kasama namin," dagdag pa ni Vic.
Bukod sa kanya, kasama rin sa pelikulang ito ng Regal at APT Films sina BJ Forbes, Cindy Kurleto, at marami pang iba.
Bale premiere night ng movie ang first screening nito sa Cinemanila International Film Festival (digital film div.) sa huling araw ng unang linggo ng pista (Okt. 18) na magsisimula ngayong araw na ito (Okt. 12) at matatapos sa Okt. 25. Awards night sa Okt. 19 sa Aliw Theater. Ilalabas ang entries sa SM Manila, San Lazaro, Robinsons Manila at Cinemanila 2000.
Bilang presidente ng Total Solutions Inc., maker of the Cash Rewards Program powered by Smart Money, layunin niya ay makatulong ang mga consumers na makatanggap ng cash rewards habang gumagastos sila araw-araw.
"Mag-member lang sa programa at mag-load ng pera sa loob ng Smart Money Acct./Card sa mga Smart loading stations at gamitin itong pambayad sa mga participating Merchant Partners na magbibigay ng rewards point. Ito ay pera na maiipon sa Loob ng Smart Money acct. na pwedeng gamitin pang bayad muli. 1 punto katumbas ng piso. Ang participating partners ay Smart Buddy, Talk n Text, Addict Mobile Prepaid, Shakeys Pizza, Superferry, Cebuferries at SuperCat.
May dalawang paraan para kumita ng cash rewards. Una, gamitin ang Smart Money Acct/Card sa pagbabayad sa mga merchant partners. Ikalawa, kapag bumili ka ng P115 load sa Smart sa pamamagitan ng pag-text ng LOAD 115 at i-send sa 270, may tig P5 kayo ng referrer mo.
Para sumali, bili na kayo ng program kit sa mga product outlets. I-submit ang application kasama ng isang photocopied ID at maghintay after 2-3 wks. processing.
Para sa ibang katanungan, tawagan si Manny sa 5350288.