Ethel, may solo show sa Ch. 11
October 12, 2005 | 12:00am
Ngayon na pala, October 12, ang opening ceremonies ng CineManila International Film Festival sa Manila Hotel. Hindi yata naging maingay ang tungkol sa CMIFF na this year ay sponsored na ng Manila government. Kasama sa CMIFF ang digital division at pumasok ang digital movie na Matthew, Mark, Luke & John na dinirek ni Gil Portes for September Films and Teamwork Productions.
Nang makausap namin si Direk Gil, na-conceptualized daw nila ang story nito two months ago at mayroon naman siyang mga friends na willing mag-produce nito since, napapanahon nga yata ang digital movies ngayon, na bukod sa madali lamang gawin, mura pa ang budget nito.
Ginawa raw niya ito na wala sa isip niyang isasali ito sa CMIFF, kundi raw sila nagkita ni Direk Tikoy Aguiluz at nang tanungin siya kung may ginagawa siyang movie, sinabi niyang ginagawa niya ang Matthew, Mark, Luke & John at iyon na, isinama na ni Direk Tikoy sa festival. Balak din ni direk Gil na dalhin ito sa mga international film festivals abroad.
Ang movie ay nagtatampok kina Richard Quan (Luke), Neil Ryan Sese (John) at ang baguhang Viva Hot Men na sina Justin de Leon (Matthew) at Paolo Serrano (Mark), kasama pa rin sina Ma. Isabel Lopez, Ynez Veneracion, Liza Dino, Hannah Evangelista at Dexter Doria.
May kani-kanya silang story, at iisa ang dinadasalan nila at hinihingan ng awa, ang Ina Ng Laging Saklolo sa Baclaran. Naikuwento ni Direk Gil na may original cast ang digital movie, kaya lamang nag-back out sila nang malaman ang story at ang maliit na talent fee na tatanggapin nila, kaya raw nagpa-audition sila pero hindi na ito kinailangan nina Paolo at Justin dahil may experience na rin sila sa acting.
Extended pa pala ang Encantadia hanggang December, 2005, pero sa ngayon daw ay inihahanda na ang mga costumes ng mga bagong papasok na cast ng prequel ng telefantasiya. May mari-retain pa sa original cast, pero marami pang papasok na bagong characters. Balita rin namin na baka ibahin ang title ng prequel ng Encantadia.
Balitang magaganda ang programming ng sister channel ng GMA-7, ang Channel 11. Todo na raw ang paghahanda ng ibat ibang shows. Alam namin, may isang talk show sina Lani Mercado at Sherilyn Reyes na para sa mga mothers.
Totoo rin daw ang balitang magkakaroon ng sariling show si Ethel Booba kaya kapag nagkataon, mawawalan na naman ng co-host si Paolo Bediones sa Extra Challenge. Nakita raw kasi ng management na kaya na rin ni Ethel na mag-host mag-isa. Magsisimula na raw mag-taping si Ethel ng bago niyang show sa last week of October.
Nang makausap namin si Direk Gil, na-conceptualized daw nila ang story nito two months ago at mayroon naman siyang mga friends na willing mag-produce nito since, napapanahon nga yata ang digital movies ngayon, na bukod sa madali lamang gawin, mura pa ang budget nito.
Ginawa raw niya ito na wala sa isip niyang isasali ito sa CMIFF, kundi raw sila nagkita ni Direk Tikoy Aguiluz at nang tanungin siya kung may ginagawa siyang movie, sinabi niyang ginagawa niya ang Matthew, Mark, Luke & John at iyon na, isinama na ni Direk Tikoy sa festival. Balak din ni direk Gil na dalhin ito sa mga international film festivals abroad.
Ang movie ay nagtatampok kina Richard Quan (Luke), Neil Ryan Sese (John) at ang baguhang Viva Hot Men na sina Justin de Leon (Matthew) at Paolo Serrano (Mark), kasama pa rin sina Ma. Isabel Lopez, Ynez Veneracion, Liza Dino, Hannah Evangelista at Dexter Doria.
May kani-kanya silang story, at iisa ang dinadasalan nila at hinihingan ng awa, ang Ina Ng Laging Saklolo sa Baclaran. Naikuwento ni Direk Gil na may original cast ang digital movie, kaya lamang nag-back out sila nang malaman ang story at ang maliit na talent fee na tatanggapin nila, kaya raw nagpa-audition sila pero hindi na ito kinailangan nina Paolo at Justin dahil may experience na rin sila sa acting.
Totoo rin daw ang balitang magkakaroon ng sariling show si Ethel Booba kaya kapag nagkataon, mawawalan na naman ng co-host si Paolo Bediones sa Extra Challenge. Nakita raw kasi ng management na kaya na rin ni Ethel na mag-host mag-isa. Magsisimula na raw mag-taping si Ethel ng bago niyang show sa last week of October.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended