Laman siya ng isang mahabang article sa September 29 issue ng Los Angeles Times. Ikinumpara ng sumulat na si Gia-Rui Chong sa trial nina Michael Jackson at Martha Stewart ang pag-aabang ng mga Pinoy sa kaso ni Guy.
Ang maganda lang, kahit wala ang mga anak ni Guy sa tabi niyay suportado siya ng maraming Noranians na nasa Amerika ngayon. Malaking tulong sa superstar na makitang may mga sumusuporta at naniniwalang wala siyang kasalanan.
Samantala, may part two ang pagbebenta ni Kris ng kanyang mga damit na ginamit sa shooting o taping ng Pilipinas Game Ka Na Ba? Successful ang unang mala-garage sale na ginawa niya kaya, sa February 14, 2006, may naka-schedule ulit mag-ipon na siya.
Sa fiesta kina CJ Muere sa San Pablo City sa Laguna two weeks ago, dumating ang SS 2 at sina Mike Tan, Ryza Cenon, Megan Aguilar, Aileen Luna at LJ Reyes lang ang walat may kani-kanyang trabaho.
Nasundan ang pagba-bonding ng grupo last week at sa bahay naman nina LJ sa may Fairview sila nagkita-kita. Altho sina Mike, Krizzy Jareño, Jelaine Santos, Cris Martin at Ken Punzalan lang ang nakarating, may effort silang mapanatiling close ang kanilang batch at wala kaming nababalitaang nag-aaway.
Ang batch 1 ng SS, nagkanya-kanya nat sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi na lang ang madalas magkita.
Ang lalaki pala ng dalawang billboard ni LJ ng BUM G. Talagang titingalain mo ang billboard nila ni Danilo Barrios sa harap ng SM North Edsa at yung solo billboard niya sa Boni, Mandaluyong. Alaga ng BUM si LJ dahil hanggang ngayon, kahit matagal na siyang na-i-launch, tuloy pa rin ang kanyang publicity.