Stop acting, Aiko
October 11, 2005 | 12:00am
Humarap kahapon sa kauna-unahang pagkakataon sa entertainment media ang anak ng dating aktres na si Liberty Ilagan at restaurateur Rod Ongpauco para aniya ay matigil na ang araw-araw ay paggamit sa kanya ni Aiko Melendez na parang punching bag dahilan sa isang gulo na kinasangkutan nilang dalawa kamakailan lamang.
Kasama ng batang maybahay ang kanyang legal counsel na si Atty. Frank Chavez at ang dalawa nitong associates at ang dalawa niyang kaibigan na kasama nung magkaron sila ng gulo ng konsehala ng Quezon City sa isang bar, sina Alana Montelibano at Ronald Serrano.
Kasama rin niya ang kanyang ina na si Liberty Ilagan at ang kaibigan nitong si Amalia Fuentes. Sa mga hindi nakakaalam, isang dating artista ng Sampaguita Pictures si Liberty, nung panahon ng rivalry nina Amalia at Susan Roces.
Si Atty. Chavez ang nagsabi na nag-file ang kanyang kliyente ng kaso laban sa aktres: physical injury, slander with oral defamation at live threat against Aikos security aide. Limang additional criminal charges pa ang inihahanda nilang i-file laban din kay Aiko.
"Hindi ako sanay sa ganitong pagtitipon pero, nagpasya akong lumabas dahil palaging nagsisinungaling si Aiko, tinu-twist niya ang istorya. Gusto ko namang marinig ng tao ang katotohanan at ipaalam kay Aiko na she can not manipulate people by giving them false statements," pauna ni Happy.
"Stop acting, Aiko! Hindi na sana ako magsasalita, pero, ayaw niyang tumigil, sinisira na niya ang pagkatao namin. Wala nang ibang paraan kundi ang magsalita na rin," dagdag pa nito.
Nang tanungin si Happy kung bakit siya dapat paniwalaan ng tao, sinabi niya "Dahil nagsasabi ako ng totoo!"
Nabuhayan na naman ng loob si Aiai delas Alas, at naniwalang di siya pinababayaan ng ABS CBN sapagkat binigyan nila siya ng isang bagong programa, ang ETK Entertainment Konek, bilang co-host nina Ogie Diaz, John Sweet Lapus at Toni Gonzaga.
Bago ito ay naging guest co-host muna siya ng programa at sa limited time niya rito ay nagawa niyang mapataas ang ratings ng programa.
"Masaya ako dahil may extra income na naman ako, pandagdag sa baon ng mga bagets," aniya referring to her children na lahat nag-aaral.
"Akala ko mababaon na ako sa pag-aaral ng pagluluto," sabi niyang nakangiti.
When asked kung ano na ang progress niya sa kanyang two-year culinary course na napakalaki raw ng kanyang binayarang matrikula, sinabi niyang "Marunong na akong maghiwa, hanggang dito pa lamang ako, sa paghihiwa ng manok, beef at lamb, o di ba sosyal?," pagmamalaki niya.
Masaya si Aiai bagaman at wala siyang lovelife. "Siguro di para sa akin ang ikinakasal. Magtatrabaho na lamang ako para sa pamilya ko," sabi niya.
E-mail: [email protected]
Kasama ng batang maybahay ang kanyang legal counsel na si Atty. Frank Chavez at ang dalawa nitong associates at ang dalawa niyang kaibigan na kasama nung magkaron sila ng gulo ng konsehala ng Quezon City sa isang bar, sina Alana Montelibano at Ronald Serrano.
Kasama rin niya ang kanyang ina na si Liberty Ilagan at ang kaibigan nitong si Amalia Fuentes. Sa mga hindi nakakaalam, isang dating artista ng Sampaguita Pictures si Liberty, nung panahon ng rivalry nina Amalia at Susan Roces.
Si Atty. Chavez ang nagsabi na nag-file ang kanyang kliyente ng kaso laban sa aktres: physical injury, slander with oral defamation at live threat against Aikos security aide. Limang additional criminal charges pa ang inihahanda nilang i-file laban din kay Aiko.
"Hindi ako sanay sa ganitong pagtitipon pero, nagpasya akong lumabas dahil palaging nagsisinungaling si Aiko, tinu-twist niya ang istorya. Gusto ko namang marinig ng tao ang katotohanan at ipaalam kay Aiko na she can not manipulate people by giving them false statements," pauna ni Happy.
"Stop acting, Aiko! Hindi na sana ako magsasalita, pero, ayaw niyang tumigil, sinisira na niya ang pagkatao namin. Wala nang ibang paraan kundi ang magsalita na rin," dagdag pa nito.
Nang tanungin si Happy kung bakit siya dapat paniwalaan ng tao, sinabi niya "Dahil nagsasabi ako ng totoo!"
Bago ito ay naging guest co-host muna siya ng programa at sa limited time niya rito ay nagawa niyang mapataas ang ratings ng programa.
"Masaya ako dahil may extra income na naman ako, pandagdag sa baon ng mga bagets," aniya referring to her children na lahat nag-aaral.
"Akala ko mababaon na ako sa pag-aaral ng pagluluto," sabi niyang nakangiti.
When asked kung ano na ang progress niya sa kanyang two-year culinary course na napakalaki raw ng kanyang binayarang matrikula, sinabi niyang "Marunong na akong maghiwa, hanggang dito pa lamang ako, sa paghihiwa ng manok, beef at lamb, o di ba sosyal?," pagmamalaki niya.
Masaya si Aiai bagaman at wala siyang lovelife. "Siguro di para sa akin ang ikinakasal. Magtatrabaho na lamang ako para sa pamilya ko," sabi niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended