Christian, hindi pumapatol sa babae!

Hinintay lang pala ni Christian Vasquez na tumuntong ng 8 at 7 years old ang dalawang anak niyang lalaki bago siya magpa-file ng annulment para mapawalang bisa ang kasal niya sa ina ng kanyang mga anak.

"Pag minor kasi ang bata, definitely, sa ina mapupunta, e, hindi ko kayang mawala ang mga anak ko dahil ako ang nagpalaki sa kanila.

"Sa law kasi, when the kids reaches the age of 7 ay puwede na siyang pumili kung kanino niya gustong sumama, sa ina o sa ama, e, confident ako na sa akin sasama ang mga anak ko," ito ang pangangatwiran ni Christian.

Matagal nang hiwalay sina Christian at ang non-showbiz wife nito dahil hindi sila magkasundo dahil ikinasal sila at a very young age.

"She was 18 and I was 21 that time, so maraming na-discover na ugaling hindi kami magkasundo. We decided to part ways, at sa akin naiwan ang mga anak ko.

"Nagkikita naman silang mag-iina, pero dumating ‘yung time na pinabayaan niya ang mga bata kasi she went to the States and for two years, walang communications at all," pahayag ni Christian.

At dahil nagkaka-edad na rin naman si Christian at gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya ay naisip na nga niyang ipawalang bisa ang kasal niya.

Samantala, sa pagbabalik on stage ng Penis Talks Reloaded sa Music Museum sa October 14, 15, 21, 22 and 28 ay may passionate kissing scene sila ni Luis Alandy.

Parang normal lang kay Christian ang nabanggit na kissing scene kaya’t diretsahan namin siyang tinanong kung may experience na ba siya noon na gawin ito sa kapwa lalaki at kung nagkaroon na siya ng gay lover?

"Wala pa, hindi naman kasi ako pumapatol sa bading," diretsahan niyang sabi.
* * *
Hindi raw nag-report last Friday sa Wowowee ang floor director na si Mel Feliciano dahil inaasikaso raw nito ang kasong isinampa sa kanya ng isa sa myembro ng Kolokoy Boys na si Buddy sa Kamuning Police Station.

Ayon mismo sa taga-Wowowee ay, "Aburido rin ngayon si Mel kasi siyempre, abala rin ‘yun sa asunto sa kanya, dapat ayusin na niya ‘yun.

"Although maayos naman ‘yun kung magkakausap sila, pero mukhang parehong mainit ang ulo, kaya as of now, malabo."

Isang nagngangalang Harold Nueva raw muna ang humalili kay Mel bilang floor director pero, kahapon, Sabado ay nag-report na si Mel sa show.
* * *
Isa sa mga araw na ito ay ilo-launch na ni Mark Herras ang dance album niya under GMA Records na tila nagkakaroon daw ng problema kung paano ito ipo-promote dahil ang back-up dancers niya ay ang SOP Boys na tila nagkaroon ng problema kay Direk Louie Ignacio at pina-banned niya ang grupo sa lahat ng shows niya at sa katunayan ay nawala na sila sa SOP at SOP Gigsters.

Napagalitan daw kasi sila ni Direk Louie at imbes na humingi ng dispensa ay nangatwiran pa, kaya nairita ang nabanggit na director.

"GMA Artist Center kasi ang may hawak, kaya malakas sila," say sa amin ng taga-Siete.

Napag-alaman din namin na alam ito ng management kaya’t sumulat daw ang taga- GMA Records kay direk Louie requesting na kung puwedeng mag-promote sa programang Sis na idini-direk ni Louie si Mark kasama ang nabanggit na dancers. –Reggee Bonoan

Show comments