Nang minsang magkasama sina Kirby at Jolan, nag-text daw si Alvin sa dalaga na siyempre, nalaman ni Kirby. Nag-text naman ito kay Alvin with the message na tigilan na nito ang panloloko kay Jolan. Nagalit daw si Kirby sa sagot ni Alvin na "Bakit ikaw, di mo siya niloloko?" Ha-ha-ha!
Ang alam namin, unang naka-relasyon ni Jolan si Alvin at break na sila nang maging boyfriend nito si Kirby. Love pa siguro nito ang ex-girlfriend dahil nangingialam pa rin siya sa buhay nito.
Ibig sabihin din, hindi totoo ang nabanggit ng mother ni Kirby na break na ang anak at si Jolan dahil nagkikita pa rin ang dalawa. Hindi lang yata pabor ang mother ni Kirby kay Jolan kaya, ganun ang reaksyon nito.
Naku, dapat nang makialam ang GMA Artist Center bago pa magkasakitan sina Alvin at Kirby.
Natawa kami habang ikinukuwento itot parang hindi sanay mag-aral si Bistek. Of course, may recitation, reading at test pa bago pumasa. If I know, super busy lang ito kaya pansamantalang tumigil sa pag-aaral.
Pero, kung may balak tumakbong mayor ng Kyusi si Bistek, mas maganda kung bukod sa natapos niyang kursoy tapos din siya ng Law.
Nagtayo rin ng banda si Raymond Bagatsing at may banda rin sina Jeffrey at Boy 2 Quizon but unfortunately, hindi namin matandaan ang name.
Ang latest na gustong magtayo ng banda ay si Wendell Ramos. Kasama niya rito sina Antonio Aquitania bilang gitarista at Dingdong Dantes as the drummer. Hindi pa namin alam kung anong musical instrument ang hahawakan ni Wendell.
Unsolicited advice itong sa amin. Bakit hindi nila isali sa banda sina Cogie Domingo who plays the guitar and drums at Dennis Trillo. Hindi lang magaling kumanta si Dennis, drummer at gitarista rin siya ng banda nila noong nasa Ateneo pa siya. Nai-imagine ninyo kung gaano kaganda tingnan ang banda habang nagpi-perform kung masasama kina Wendell, Antonio at Dingdong sina Cogie at Dennis? Im sure, puno ang venue kapag silay may gig.
Inintindi na lang nila ang paglilihim ng actress sa totoo niyang edad. Shes into a relationship now at mas bata sa kanya ang boyfriend. Ayaw siguro nitong kantyawan siyang cradle snatcher ng mga kaibigan dahil na-in love sa mas bata sa kanya.
Kung 23 years old lang siya, five years lang ang tanda sa kanya ng bf pero, kung 26 years, old, eight years ang age gap nila ng nobyo.