^

PSN Showbiz

Wendell, magtatayo rin ng sariling banda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ang haba ng buhok ni Sexbomb member Jolan Veluz dahil pinag-aawayan siya ng StarStruck Avengers na sina Alvin Aragon at Kirby de Jesus. Nagkaselosan at nagka-sagutan sa text message ang dalawa na posibleng mauwi sa physical na away ‘pag nagkita’t muling nagka-initan.

Nang minsang magkasama sina Kirby at Jolan, nag-text daw si Alvin sa dalaga na siyempre, nalaman ni Kirby. Nag-text naman ito kay Alvin with the message na tigilan na nito ang panloloko kay Jolan. Nagalit daw si Kirby sa sagot ni Alvin na "Bakit ikaw, ‘di mo siya niloloko?" Ha-ha-ha!

Ang alam namin, unang naka-relasyon ni Jolan si Alvin at break na sila nang maging boyfriend nito si Kirby. Love pa siguro nito ang ex-girlfriend dahil nangingialam pa rin siya sa buhay nito.

Ibig sabihin din, hindi totoo ang nabanggit ng mother ni Kirby na break na ang anak at si Jolan dahil nagkikita pa rin ang dalawa. Hindi lang yata pabor ang mother ni Kirby kay Jolan kaya, ganu’n ang reaksyon nito.

Naku, dapat nang makialam ang GMA Artist Center bago pa magkasakitan sina Alvin at Kirby.
* * *
Hindi pala ipinagpatuloy ni Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista ang Law course niya sa New Era College dahil sa pressure at tension. Nabahala raw si Bistek na baka magkasakit siya sa tindi ng mga nararamdaman tuwing nasa klase. Bakit daw may recitation na’y may reading at kung anu-ano pa.

Natawa kami habang ikinukuwento ito’t parang hindi sanay mag-aral si Bistek. Of course, may recitation, reading at test pa bago pumasa. If I know, super busy lang ito kaya pansamantalang tumigil sa pag-aaral.

Pero, kung may balak tumakbong mayor ng Kyusi si Bistek, mas maganda kung bukod sa natapos niyang kurso’y tapos din siya ng Law.
* * *
Nauuso ang banda sa mga artista. Nauna na si Diether Ocampo with his Blow Band at may Blue Jeans din si Jericho Rosales. May Biscuit Band din si Bernard Palanca pero, madaling na-disband.

Nagtayo rin ng banda si Raymond Bagatsing at may banda rin sina Jeffrey at Boy 2 Quizon but unfortunately, hindi namin matandaan ang name.

Ang latest na gustong magtayo ng banda ay si Wendell Ramos. Kasama niya rito sina Antonio Aquitania bilang gitarista at Dingdong Dantes as the drummer. Hindi pa namin alam kung anong musical instrument ang hahawakan ni Wendell.

Unsolicited advice itong sa amin. Bakit hindi nila isali sa banda sina Cogie Domingo who plays the guitar and drums at Dennis Trillo. Hindi lang magaling kumanta si Dennis, drummer at gitarista rin siya ng banda nila noong nasa Ateneo pa siya. Nai-imagine ninyo kung gaano kaganda tingnan ang banda habang nagpi-perform kung masasama kina Wendell, Antonio at Dingdong sina Cogie at Dennis? I’m sure, puno ang venue kapag sila’y may gig.
* * *
Natatawa lang ang mga nakakakilalang nakapanood sa interview sa isang actress nang sabihing she’s only 23 years old. Alam ng mga ito na 26 years old na siya at matagal na rin sa showbis.

Inintindi na lang nila ang paglilihim ng actress sa totoo niyang edad. She’s into a relationship now at mas bata sa kanya ang boyfriend. Ayaw siguro nitong kantyawan siyang cradle snatcher ng mga kaibigan dahil na-in love sa mas bata sa kanya.

Kung 23 years old lang siya, five years lang ang tanda sa kanya ng bf pero, kung 26 years, old, eight years ang age gap nila ng nobyo.

vuukle comment

ALVIN

ALVIN ARAGON

BAKIT

BISTEK

JOLAN

KIRBY

KUNG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with