Hindi ko na tutukuyin kung ano ang programang katapat ng Vietnam Rose. Ang alam ko, ito yung fantaserye.
Twelve years na ako sa pagsusulat. Alam ko na ang pasikut-sikot ng pagpi-PR at alam ko kung may deliberate move para siraan ang isang tao o programa. Madaling mabasa.
Sa analysis ko, mangilan-ngilan pa lang ang "ginagamit" para siraan ang programa ni Marya. Could be, way nila ito para i-promote ang kanilang programa.
Taliwas naman ito sa reaksyon ng viewers sa Vietnam Rose. Marami ang naniniwala na true to its promise, maganda ang teleserye ni Marya. At sa totoo lang, sa dami ng naririnig ko about how a TV rating is gauged, hindi na ako naniniwala sa rating.
Pero ang kagulat-gulat ay paulit-ulit ang isyu ni Hero at ng kapatid nitong si Henry. Sa mga interbyu nila, wala na silang ibang sinabi kundi ang galit nila sa ABS-CBN. Pati yung away nila ni Sandara Park noon ay pilit niyang inuungkat.
Kumalat ang balitang kinukuha raw si Hero ng Eat Bulaga. Pero pinabulaanan naman ito ng boss ng programa.
"Na-send ko kasi sa sister ko yung MMS ng photo shoot tapos pinakita niya sa mommy ko," kuwento ni Kris. "And when my mom saw it, she called up Dr. Vicki Belo and requested na huwag nang gamitin ang billboard. So yun."
Hindi mahindian ni Dr. Vicki si Mrs. Aquino kahit pa may kontrata nga si Kris as endorser ng nasabing beauty clinic. Kaya ang siste, ibang shot na lang (of the same photoshoot) ang gagamitin for the billboard.
"Sexy pa rin pero hindi na as daring as yung una," sabi ni Kris.
Sa mga curious kung ano ang pose ni Kris sa na-cancel na billboard. Tanging white shirt ang suot niya na hindi mo malalaman kung meron siyang suot na underwear sa loob. Tiyak na pag-uusapan si Kris kung natuloy ang nasabing billboard.