Tanggap ng tao ang winners except for two categories. Kinu-question ang pagkakapanalo ng J Brothers sa New Age Novelty mas sikat daw ang mga tinalo nito. Nakalimutan ng mga nagrereklamo na paramihan ng text votes ang contest at mas masipag mag-text plus mas malaki ang budget ng supporters ng J Brothers.
Isa pang inirereklamo ay ang pagkakapanalo ng "I Know" ni Yasmien Kurdi sa Viewers Choice for Song of the Year. Hindi makapaniwala ang fans ng Bamboo na tinalo nito ang "Hallelujah" ng Bamboo, "The Day You Said Goodnight" ng Hale at "Stay" ng Cueshe. Granted na mas sikat ang entries na nakalaban ng song ni Yasmien, kaso, kulang ng effort ang fans nilang bumoto.
Nakausap pala namin ang manager ng isa sa tatlong banda. Halatang hindi nito matanggap na natalo ang hawak na banda ni Yasmien. Ang dialogue nitoy alam naman daw ng tao kung anong song ang talagang sumikat ng husto this year. Sorry, ayaw naming magbigay ng clue at baka pagmulan ito ng gulo. Basta, hindi siya nakangiti nang sabihin ito. Sore losser siya huh!
Nagkagulo sa pictorial ni Cindy sa isang glossy and life style magazine. Nag-tantrums daw ito dahil hindi nagustuhan ang make-up artist na kinuha ng editorial na mag-ayos sa kanya. Hindi raw pumayag si Cindy hanggat hindi personal make-up artist niya ang magmi-make up sa kanya.
Nagka-problema rin sa mga damit na ipasusuot sa kanya sa pictorial dahil matagal may natipuhang isuot. Exagg (as in exaggeration) na kung exagg pero, sabi ng source namin, ga-trunk ang dinala sa pictorial bago nakapili si Cindy.
Naalala naming nagkagulo rin sa taping ng Season 6 ng Love to Love dahil sa make-up at wardrobe ni Cindy. Gusto naming isiping metikuloso lang ang dalagat pagdating sa aspetong itot iniingatan ang kanyang image.
Sayang at wala na yatang presscon ang Ispiritista para matanong naman si Cindy ng side niya sa isyung ito. For sure, may paliwanag siya sa make-up artist and wardrobe issues sa kanya.
Mapapanood din sila sa Music Factory na nasa Taft Avenue, Manila sa Oct. 15. Magkasunod din nilang bibisitahin ang SM Southmall (Oct. 22) at SM Sucat (Oct. 23) to promote their second album from Viva Records.
Sa November 18, gaganapin ang first major concert ni K sa Music Museum. Sagot daw ito sa Oct. 14 Super Friends concert nina Gladys Guevarra, Allan K. at Janno Gibbs sa Araneta Coliseum. NITZ MIRALLES