Ang reason daw ni Carlo Orosa, manager ni Christian kung bakit mahal ang budget nila ay dahil sikat na si Christian sa ibang bansa.
Ayon pa sa source nang humihingi raw ng discount ang producer, no agad ang answer ng manager ni Christian.
Ito rin daw ang rason kung bakit ilang beses na-postpone ang concert nito sa Cebu. Pero since na-out na ang ticket kaya itinuloy na lang ang concert kahit medyo namahalan ang produ. Kaya lang ang ending, nalugi ang produ dahil sa laki ng production cost plus talent fee ni Christian tapos di naman masyadong tinao ang concert.
Bagong lipo si Jaycee Parker nang dumating sa press preview ng launching movie niyang Ilusyon. Four days (last Thursday siya nagpa-opera kay Dr. Manny Calayan) pa lang siya natatanggalan ng taba sa may bandang likod at may plaster pa siya. Halatang nagpa-lipo siya dahil mas lumiit ang katawan niya kumpara nang una siyang magpa-interview - from 28 to 23 ang sukat ng kanyang waistline.
"Medyo masakit pa nga eh," say ng Hot Babe.
Ito ang second time na nagpa-lipo si Jaycee kay Dr. Calayan. Ang tummy ang una niyang pinabawasan ng taba.
Anyway, approved ng MTRCB without cuts (R 18) ang movie nila ni Yul Servo under Digital Viva.
Graded A din ito ng Cinema Evaluation Board. Meaning may relevance nga ang pelikula. "Hindi ko po ini-expect na ganito ang mangyayari sa project namin," sabi ni Jaycee.
Maraming breast exposure si Jaycee sa Ilusyon. May frontal pero dalawang beses lang yata. Kaya nga tinanong siya kung napanood na ba ng boyfriend niyang si Danilo Barrios ang movie: "Hindi pa eh. Wala kasi siya rito ngayon."
Nag-deny din siya na nagli-live in na sila ni Danilo. "Minsan natutulog siya sa house ko or minsan naman sa house niya ako natutulog. Saka ayaw pa ng daddy ko."
For the nth time, nag-deny siya na preggy siya. "Four months ago sinasabi nilang preggy ako ng two months. Tapos may nagsasabing four months ako. Eh di sana, six months na ang tummy ko. Eh wala naman. Saka marami pa akong mga pangarap na gustong marating. Gusto kong magkaroon ng billboard sa Edsa," sabay halakhak ni Jaycee. Gusto pa rin daw niyang makabili ng sariling bahay. "Yung billboard sa Edsa, baka next month meron na," pahabol niya.
Na-mention din ni Jaycee na malapit nang lumabas sa kulungan ang kanyang nanay. Ilang months na rin kasi itong nakakulong sa Laguna dahil sa umanoy kasong drug pushing.
Going back to Ilusyon, may mga lovescene din sila ni Yul. Pero may plaster naman daw siya. "Hindi ko carry ang walang plaster," sabi ng sexy actress. "Gusto sana ni Yul, walang plaster pero hindi talaga ako pumayag na wala."
Ang movie ay tungkol sa isang nude model si Jaycee (Stella) na naging obsesyon ni Yul (Paolo), isang bagong salta sa Maynila na nag-ilusyong magaling ng pintor. Di sinasadyang mahahatak si Stella sa pantasya ni Pablo na humantong sa isang mainit na relasyon. Pero gumuho ang lahat nang magkasakit si Stella.
Na-capture ng movie ang 1950s setting. Ayon sa director nilang si Paolo Villaluna at Ellen Ramos, isang apartment lang sa Cubao ang ginamit nila. Ang writer na si Jon Red ang unang nakita ng nasabing house.
Maganda rin ang mga ginamit nilang music. In fact, puwede silang maglabas ng sariling soundtrack.
Anyway, ka-join sa Cinemanila ang movie na magi-start mapanood sa theaters sa Manila area.
Speaking of Dr. Calayan, kararating lang pala ng GMA 7s resident doctor mula sa worldwide convention sa Italy. Si Dr. Calayan lang ang only Filipino delegate sa week-long celebration ng European Cosmetic Surgeons Convention and Workshop na ginanap sa Italy ay nag-demonstrate ng latest laser technology para ma-remove ang body fats. Ang nasabing procedure ay tinatawag na YAG Laserlipolisis ay magiging available na sa Calayan Surgicentre and Laser Clinic sa Medical Plaza sa Makati this week.
"The Europeans have been impressed with the Filipino know-how and the advance technology that we have now in this field," he said.
Masaya siya na kinilala ang galing ng Filipino doctor sa upscale doctors convention sa Italy. "Masaya ako. Bilib sila sa Pinoy."
No wonder na marami siyang kliyenteng artista.