Gusto nyo bang mapalayas si Cass sa Bahay ni Kuya?
October 6, 2005 | 12:00am
Matinding hirap ang pinagdaanan ni Victor Neri sa Panday. He plays Lizardo, ang main villain ni Jericho Rosales who plays the title role. Bukod sa costume at body make up, matindi rin ang mga action scenes ni Victor.
"Imagine, naka-submerge ako sa tubig for 10 hours na hindi ka puwedeng gumalaw," kuwento ni Victor. "Tapos yung bigat ng costume na suot ko. Matindi talaga."
Tatlong ibat ibang karakter ang ginagampanan niya. Including yung karakter na half-human half-horse. Kinailangang lagyan ng balahibo ang buong katawan niya.
But Victor has no regrets about going through the hardships. Alam niya na trabaho ang kanyang ginagawa. At ang pinaka-rewarding, maganda ang naging outcome ng mga eksena at performance niya sa bagong ABS-CBN series.
"This is the most challenging role I have ever done. Be it in a movie or in television," sabi nito.
Malapit nang mapanood ang Panday. Ang balita ko, first week of November ang airing nito.
Aminado ako na ayokong ma-evict si Cass sa Pinoy Big Brother. Nominado si Cass, along with Racquel. Ngayong Sabado, malalaman kung sino sa kanila ni Racquel ang mapapalayas sa bahay.
I have my reasons why I am campaigning for Cass. Unang-una, maganda siyang panoorin. Nakakaaliw siya. Hindi ko kaya kapag nagi-effort siyang mag-English with her Visayan accent. Nakakatawa talaga.
Sa loob ng isang buwan, nakita ko ang good traits ni Cass. Wala naman siyang mean bone. She only wants the best for everybody. Wala akong nakikitang masama kapag feeling leader siya.
As for Racquel, I dont find her exciting anymore. Nagpapaka-safe siya kasi nga alam niyang nominated na naman siya. Hindi na siya masyadong nagi-interact.
Gusto ko pang mag-stay sa house si Cass. Kaya nga nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko na mag-text to save Cass. Mukhang hindi naman magpapabaya ang mga kababayan ni Cass sa Davao na suportahan siya.
Still on Pinoy Big Brother, nalulula ako sa dami ng requests na ma-feature ang guwapong housemate na si Sam. Ang lakas ng following ni Sam ngayon. Naging instant star talaga siya.
Wala akong way na makagawa ng feature sa kanya. Ang alam ko lang, siya ang commercial model na nakikita sa Close Up toothpaste.
Lahat ng mga kaibigan ko ay nababaliw kay Sam. Sa totoo lang, ang lakas ng appeal ni Sam. Added charm niya ang kanyang difficulty sa pagsasalita ng Tagalog. Naku, kapag nagbabasa siya ng instructions ni Big Brother, natatawa na ako.
Barely few days in the house, nakita ko na may talent talaga si Sam. Mahusay itong tumugtog ng gitara at marunong kumanta. At ang balita ko, mabuting tao ito. Ito ay base sa kuwento ng mga kaibigan kong may 24/7 subscription sa Sky Cable.
"Lahat ng kilos niya, napapanood ko, may breeding talaga. At mabait siya," sabi ng kaibigan ko.
"Imagine, naka-submerge ako sa tubig for 10 hours na hindi ka puwedeng gumalaw," kuwento ni Victor. "Tapos yung bigat ng costume na suot ko. Matindi talaga."
Tatlong ibat ibang karakter ang ginagampanan niya. Including yung karakter na half-human half-horse. Kinailangang lagyan ng balahibo ang buong katawan niya.
But Victor has no regrets about going through the hardships. Alam niya na trabaho ang kanyang ginagawa. At ang pinaka-rewarding, maganda ang naging outcome ng mga eksena at performance niya sa bagong ABS-CBN series.
"This is the most challenging role I have ever done. Be it in a movie or in television," sabi nito.
Malapit nang mapanood ang Panday. Ang balita ko, first week of November ang airing nito.
I have my reasons why I am campaigning for Cass. Unang-una, maganda siyang panoorin. Nakakaaliw siya. Hindi ko kaya kapag nagi-effort siyang mag-English with her Visayan accent. Nakakatawa talaga.
Sa loob ng isang buwan, nakita ko ang good traits ni Cass. Wala naman siyang mean bone. She only wants the best for everybody. Wala akong nakikitang masama kapag feeling leader siya.
As for Racquel, I dont find her exciting anymore. Nagpapaka-safe siya kasi nga alam niyang nominated na naman siya. Hindi na siya masyadong nagi-interact.
Gusto ko pang mag-stay sa house si Cass. Kaya nga nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko na mag-text to save Cass. Mukhang hindi naman magpapabaya ang mga kababayan ni Cass sa Davao na suportahan siya.
Wala akong way na makagawa ng feature sa kanya. Ang alam ko lang, siya ang commercial model na nakikita sa Close Up toothpaste.
Lahat ng mga kaibigan ko ay nababaliw kay Sam. Sa totoo lang, ang lakas ng appeal ni Sam. Added charm niya ang kanyang difficulty sa pagsasalita ng Tagalog. Naku, kapag nagbabasa siya ng instructions ni Big Brother, natatawa na ako.
Barely few days in the house, nakita ko na may talent talaga si Sam. Mahusay itong tumugtog ng gitara at marunong kumanta. At ang balita ko, mabuting tao ito. Ito ay base sa kuwento ng mga kaibigan kong may 24/7 subscription sa Sky Cable.
"Lahat ng kilos niya, napapanood ko, may breeding talaga. At mabait siya," sabi ng kaibigan ko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended