Di pinadalaw ng ex-gf ng bf si Angelica sa ospital!
October 5, 2005 | 12:00am
Humingi ng paumanhin sa amin si Angelica Jones dahil hindi nakapunta sa burol ng aking yumaong ama. Close kasi ang aktres sa pamilya ko.
Ayon dito ay may malaki kasi siyang problema at napag-alaman ko lately na inoperahan ang kanyang boyfriend na si Booby Yan dahil sa sakit na sleep apnea (sakit na tumitigil sa paghinga kapag natutulog) gaya ng nangyari kay Rico Yan na hindi naagapan.
Ayaw pa ring magbigay ng comment ni Angelica tungkol sa balitang hinarang siya ng ex-girlfriend ni Bobby na naanakan nito nang dumalaw ito sa nobyo sa ospital.
Mabibigyan lang ito ng linaw kapag magaling na si Bobby para ipagtanggol ang kanyang nobyang aktres.
Matapos ihandog ng Solar-UIP ang big hit movies nilang Shrek 2 at Madagascar ay isa na namang nakakaaliw na pelikula ang mapapanood sa buwang ito. Pinamagatang Wallace & Gromit: The Curse of the Were-Rabbit, tampok si Peter Sallis sa papel na Wallace at ang kanyang ever-faithful na asong si Gromit mula sa Aardmans Oscar-winning clay animated Wallace and Gromit shorts star sa bagong comedy-adventure at kauna-unahang full-length feature film.
Si Peter Sallis ang nagsa-tinig ng role ni Wallace kasama ang two-time Academy Award nominee Ralph Fiennes (The English Patient), Schindlers List at Academy Award nominee Helena Bonham Carter (The Wings of the Dove) sa mga boses na ginamit kina Victor at Lady Tottington sa direksyon nina Nick Park at Steve Box.
Ang Wallace and Gromit ay mapapanood sa Oktubre 12 sa inyong paboritong mga sinehan. Ito ay ipinamamahagi sa Pilipinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Ayon sa aking source, ang magandang sexy actress na ito ay dating miyembro ng isang grupo ng mga mang-aawit na binubuo ng mga sexy stars. Pero hindi yata nakasundo ang unang manager kaya lumipat ito sa kalabang grupo ng mga sexy stars na mang-aawit din. Pero hindi makasapat sa kanyang pang-araw-araw na gastusin ang kinikita mula sa pagsayaw at pag-awit kaya may sideline daw ito ayon sa aking source.
Madalas siyang tumambay sa Glorietta at nami-mick-up ng mayayamang customer if the price is right, ika nga.
Ayon dito ay may malaki kasi siyang problema at napag-alaman ko lately na inoperahan ang kanyang boyfriend na si Booby Yan dahil sa sakit na sleep apnea (sakit na tumitigil sa paghinga kapag natutulog) gaya ng nangyari kay Rico Yan na hindi naagapan.
Ayaw pa ring magbigay ng comment ni Angelica tungkol sa balitang hinarang siya ng ex-girlfriend ni Bobby na naanakan nito nang dumalaw ito sa nobyo sa ospital.
Mabibigyan lang ito ng linaw kapag magaling na si Bobby para ipagtanggol ang kanyang nobyang aktres.
Si Peter Sallis ang nagsa-tinig ng role ni Wallace kasama ang two-time Academy Award nominee Ralph Fiennes (The English Patient), Schindlers List at Academy Award nominee Helena Bonham Carter (The Wings of the Dove) sa mga boses na ginamit kina Victor at Lady Tottington sa direksyon nina Nick Park at Steve Box.
Ang Wallace and Gromit ay mapapanood sa Oktubre 12 sa inyong paboritong mga sinehan. Ito ay ipinamamahagi sa Pilipinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Madalas siyang tumambay sa Glorietta at nami-mick-up ng mayayamang customer if the price is right, ika nga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended