^

PSN Showbiz

Sayang, di natuloy si Hero sa Ch. 11!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ibinalita ni Dino Guevarra sa kaibigang reporter na natanggap na niya ang divorce paper mula kay Kim delos Santos. Pirma na lang niya ang kailangan at tuluyan na silang divorced ng dating asawa. Ipapadala naman niya ang annulment paper nila at kapag natanggap ito ni Kim at napirmahan, pormal na ang kanilang paghihiwalay.

Napanood namin nang mag-guest sa isang TV show si Dino at inaming may bago na siyang girlfriend. Mapapakasalan na niya ito ngayong libre na siyang mag-asawa uli. Makaka-move on na rin finally, ang ex-couple and hopefully, wala na tayong maririnig na patutsadahan kapag naggi-guest sila sa telebisyon.

Happy si Kim sa buhay niya sa Amerika at sa kanyang trabaho. Nakikita rin nating masaya si Dinno sa muling pagsigla ng kanyang career. Regular siyang napapanood sa Encantadia at Bahay Mo Ba ‘To at naggi-guest sa ibang show ng GMA-7.
* * *
Puwede pa rin palang lumabas sa ABS-CBN si Hero Angeles kung igi-guest siya dahil sa managerial contract lang niya sa Star Magic siya na-release. Kaya lang, may balak naman kaya ang network na i-guest siya?

Nakausap pala ng isang entertainment editor ang kapatid at manager ni Hero na si Henry Angeles. Nabanggit nitong kaya hindi nila natanggap ang offer na show ng QTV o Ch. 11 ay dahil sa conflict of schedule.

Sa Hongkong isu-shoot ang show for five days, kaso ang two days taping ay tatama sa out of town show na unang commitment ni Hero. Gusto ng QTV, straight ang taping na hindi kaya ng schedule ng actor. Sayang ang pinalampas na chance at muli sanang mapapanood ng kanyang fans si Hero. Pero, madedemanda ito kung tinanggap ang offer dahil nakapirma na siya ng kontrata’t tumanggap na ng down payment.

‘Katuwa pala’t konti lang sa Kapuso fans ang hindi pabor sakaling kunin ng GMA-7 o magkaroon ng show sa QTV si Hero. Ang daming nagpo-post sa thread nito sa igma-tv at wini-welcome siya. Naniniwala rin sila na sisikat pa si Hero at malayo pa ang itatakbo ng career.
* * *
Kausap namin si Sunshine Dizon sa presscon ng Now & Forever (Agos) nang may lumapit na press at kinumusta sa kanya ang rumored boyfriend na si Ronald Singson. Narinig namin ang sagot nitong "Friend ko lang siya, hindi ko BF."

Obvious na naniwala ang nagtanong dahil hindi na nag-follow up ng question. Kami nama’y nahiyang mangialam sa love life nito’t hindi na namin siya tinanong kung totoo ang tsikang isa sa mga rason kung bakit hindi natuloy sa relasyon ang Closeness nila’y dahil may mga kaibigan si Ronald na hindi pabor sa kanya. Kung bakit, hindi na namin inalam at hindi rin naman sasagutin ni Sunshine.

Sa sobrang kabisihan ni Sunshine ngayon, wala na rin itong time magka-love life. Grabe ang schedule nito’t wala nang ginawa kundi mag-taping. Palipat-lipat siya ng taping ng Agos, Encantadia at Bahay Mo Ba ‘To. Tumatanggi na ito sa ibang TV guesting dahil hindi na niya kaya.

Kaya nang malibre noong Friday, isinama ang alalay at mga kaibigang taga-Boracay at namasyal sa The Fort. Kinabukasan, nag-taping na naman siya para sa Agos na sa October 10 na ang pilot.

vuukle comment

BAHAY MO BA

DINO GUEVARRA

ENCANTADIA

HENRY ANGELES

HERO ANGELES

KAYA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with