Si G. Orly Ilacad ang naka-discover at nag-build-up kay Michael V. matapos nitong mapanood ang huli sa isang contest na sinalihan nito sa Eat Bulaga nung early 90s. Si Boss Orly na rin ang tumayong manager nito sa loob ng mahigit isang dekada.
Si Michael V. ay isa pa rin sa mga tampok sa pelikulang Enteng Kabisote: The Legend Continues, ang sequel at Metro Manila Film Festival entry ng OctoArts Films at M-Zet Productions na muling pinagbibidahan ni Vic Sotto at direksiyon ni Tony Y. Reyes.
Speaking of Boss Orly, marami ang umaasa na sanay muli nitong buhayin ang kanyang recording outfit, ang OctoArts International na isa sa mga major local record label ng bansa nung late 70s to early 90s. Ang OctoArts International ay nakapag-pasikat noon ng maraming singers at kabilang na rito sina Pops Fernandez, Joey Albert, Jamie Rivera, Ogie Alcasid, Michael V., Francis M., Eva Eugenio, Boyfriends, Nanette Inventor, Vincent Daffalong, Cristy Mendoza, Lady Diane, Bluejeans, Abracadabra, Eugene Villaluz at napakarami pang iba. Kahit si Regine Velasquez na nooy Chona Velasquez pa ay sa OctoArts nagsimula.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Boss Orly ay may tenga sa music dahil siya noon ang lead vocalist ng bandang Orlly Ilacad & Ramrods nung dekada 60.
Si Tootsie at ang husband niyang si Jansen Cunanan ay naka-base ngayon sa Rancho Cucamonga sa California. Sa kabila ng kanyang bagong trabaho bilang real estate agent, hindi pa rin niya tinatalikuran ang pagkanta. Kapag wala siyang singing engagement, nakatutok siya sa kanyang regular job.
Tuwang-tuwa pareho sina Jerome at Divo dahil first time nilang makakarating ng Amerika. Ang maganda pa, walking distance lamang ang kanilang hotel (Holiday Inn Hotel & Suites) sa Anaheim sa Disneyland kaya hindi nila ito palalampasin na hindi mabisita.