^

PSN Showbiz

Michael V., nilayasan ang manager/discoverer

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi naman pala nagtatampo ang big boss ng OctoArts Films na si G. Orly Ilacad sa dati nitong alagang si Michael V. dahil sa pag-alis ng huli sa kanyang poder bilang discoverer at manager nito (Michael V.) sa mahabang panahon.

Si G. Orly Ilacad ang naka-discover at nag-build-up kay Michael V. matapos nitong mapanood ang huli sa isang contest na sinalihan nito sa Eat Bulaga nung early 90’s.  Si Boss Orly na rin ang tumayong manager nito sa loob ng mahigit isang dekada.

Si Michael V. ay isa pa rin sa mga tampok sa pelikulang Enteng Kabisote: The Legend Continues, ang sequel at Metro Manila Film Festival entry ng OctoArts Films at M-Zet Productions na muling pinagbibidahan ni Vic Sotto at direksiyon ni Tony Y. Reyes

Speaking of Boss Orly, marami ang umaasa na sana’y muli nitong buhayin ang kanyang recording outfit, ang OctoArts International na isa sa mga major local record label ng bansa nung late 70’s to early 90’s.  Ang OctoArts International ay nakapag-pasikat noon ng maraming singers at kabilang na rito sina Pops Fernandez, Joey Albert, Jamie Rivera, Ogie Alcasid, Michael V., Francis M., Eva Eugenio, Boyfriends, Nanette Inventor, Vincent Daffalong, Cristy Mendoza, Lady Diane, Bluejeans, Abracadabra, Eugene Villaluz at napakarami pang iba. Kahit si Regine Velasquez na noo’y Chona Velasquez pa ay sa OctoArts nagsimula.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Boss Orly ay may tenga sa music dahil siya noon ang lead vocalist ng bandang Orlly Ilacad  & Ramrods nung dekada 60. 
* * *
Masayang ibinalita sa amin ng bagong kasal na si Tootsie Guevarra na pumasa siya sa Real Estate Licensing exam sa California, USA at nagtatrabaho siya ngayon bilang real estate agent sa Welcome Home Mortgage Corporation na nag-aalok ng real estate, loans, financing at property management.

Si Tootsie at ang husband niyang si Jansen Cunanan ay naka-base ngayon sa Rancho Cucamonga sa California. Sa kabila ng kanyang bagong trabaho bilang real estate agent, hindi pa rin niya tinatalikuran ang pagkanta. Kapag wala siyang singing engagement, nakatutok siya sa kanyang regular job.
* * *
Inaabangan na ng ating mga kababayan sa San Diego at Los Angeles, California ang pagdating doon ng Stars In A Million stars na sina Erik Santos, Sheryn Regis, Christian Bautista, Frenchie Dy at Jerome Sala na nakatakdang magtanghal sa Spreckles Theater sa Oktubre 7 at sa Orpheum Theater sa Oktubre 8 sa ganap na ika-7 ng gabi.  Pinamagatang Stars In A Million: The Reunion, ang nasabing two-night concert ay produced ng ABC Entertainment ni Alfonso Chu at ididirek ni Bong Quintana.  Ispesyal namang panauhin sina Marissa Sanchez at ang Star Records artist na si Divo.

Tuwang-tuwa pareho sina Jerome at Divo dahil first time nilang makakarating ng Amerika.  Ang maganda pa, walking distance lamang ang kanilang hotel (Holiday Inn Hotel & Suites) sa Anaheim sa Disneyland kaya hindi nila ito palalampasin na hindi mabisita.
* * *
Personal:  Get well soon kay Aila Marie Reyes na naka-confine ngayon sa Delgado Medical Center dahil sa acute gastroenteritis.     
* * *
[email protected]

AILA MARIE REYES

ALFONSO CHU

BONG QUINTANA

CENTER

MICHAEL V

ORLY ILACAD

STARS IN A MILLION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with