Unang napansin ang Eula-Jean team sa hit TV soap na Pangako Sa Yo. Nauna rito kung paano sila naging magkaibigan.
Nagkasama sina Jean Garcia at Eula Valdez bilang teammates sa isang volleyball team para sa Star Olympics. Nag-klik agad ang kanilang unang teamwork.
Kaya naman nang magkatagpo sila bilang Madam Claudia at Amor na nag-aagawan sa isang lalaki, si Eduardo na ginampanan ni Tonton Gutierrez.
Naging bukambibig ng sambayanan sina Jean at Eula dahil sa kanilang makatotohanang pagganap sa Pangako Sa Yo.
Sa kasalukuyan, magkasama silang muli bilang magkapatid sa Kampanerang Kuba. Mga naiibang papel naman ang ginagampanan nila dito at hindi kasimbigat ng mga nauna nilang roles.
Dahil nga sa patuloy ng kanilang tandem, nagkaroon ng sariling show sina Eula at Jean. Ngayon sila na talaga ang bida (hosts) sa cooking show na Makuha Ka Sa Tikim.
Tungkol sa pagluluto ang show at kailangan talagang may sapat na kaalaman sa kalakaran sa kusina sina Jean at Eula upang mag-host ng ganitong klaseng palabas sa TV.
Isang Kapampangan si Jean na ang mga magulang ay mula talaga sa Pampanga. Kaya naman confident siya na isang mahusay na kusinera.
Si Eula naman ay may alam sa pagluluto at baking, na mahirap talagang gawin kahit ng isang marunong magluto. Sabi pa niya talagang adventurous siya, kayat nagagawa niya ang gusto niya sa kusina.
Ibat ibang putahe ang hatid nina Eula at Jean sa Makuha Ka Sa Tikim. Pero hanggang ngayon, dasal pa rin ni Jean na makagawa ng tamang recipe upang mapakain ang isang lalakeng mahihikayat na maging partner niya habang buhay.
Pagkatapos kasi ng affair niya kay Gardo Versoza, nali-link naman siya kay Joey Marquez. Wala pang pag-amin mula sa magkabilang dinadawit sa isang bagong romansa, at patuloy na sinasabi ni Jean na sana nga ay magkaroon na siya ng lifetime partner.
Bukod sa very entertaining ang dalawang magkaibang monologue na sabay tinatanghal ng Gantimpala Theater Foundation, sa direksyon ni Tony Espejo, may kakaibang atraksyon talaga ang teatro na hindi natin mararanasan sa ibang entertainment medium.
Ang Truman ay orihinal na likha ni Jose Javier Reyes, na muling sinulat ni J. Dennis Teodosio upang bigyan ng pangkasalukuyang kaganapan.
Sinulat naman ng Palanca literary grand prize winner na si Dr. Anton Juan ang Taong Grasa na masasabing black comedy.
Maaring magtanghal sa inyong mga kompanya o paaralan ang Truman/Taong Grasa. Makipag-ugnay sa Gantimpala Theater Foundation, telephone nos. 536-5860, 528-0603.