"Pareho lang po siguro ang range ng aming career path pero, siguro naman ay hindi kami paglalabanin o pagtatapatin. Naka-pag-establish na siya ng kanyang career sa GMA samantalang bago pa lamang ako rito at nangangapa pa sa kasalukuyan. Sa personality naman ay magkaiba naman kami.
"Tungkol naman po kay Mark Herras, wala siyang dapat ipangamba. Kung bine-beso-beso ko ito ay dahil iisa ang aming manager (Lolit Solis), parang magkapatid na kami, pero, hanggang dun lamang ang aming relasyon, ni hindi kami nag-uusap," paliwanag nito.
Inamin ni Pauleen na hindi lamang siya inuulan ng intriga sa kanyang pag-aartista. "Maski nung nasa school ako ay habulin na talaga ako ng intriga. Pero, kung pwedeng di pansinin, di ko pinapansin, iniiwasan ko na lang. Id love to maker a name in this business at ang habol ko ay tumagal ako rito. Naniniwala ako sa patagalan at hindi pasikatan ng career," dagdag pa niya.
Kasama si Pauleen sa 3rd episode ng Now & Forever na pinamagatang Agos. Topbilled ito by Christopher de Leon, Lani Mercado, Dennis Trillo, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Polo Ravales at JC de Vera.
Direksyon ni Mac Alejandre. Magsisimulang mapanood sa Oktubre, Lunes hanggang Biyernes sa GMA7.
Ang grupo na binubuo nina Ariel Batausa na siyang composer at arranger ng nasabing awitin, Randy Moreno at ang babaeng Freddie Aguilar na si Mimosa Sosmena.
Maraming taong kumanta sa Japan ang grupo at katunayan ay kababalik lamang nila nang pagawain sila ng album sa Leo Films na pinasok na rin ang recording business.
Anim na kanta ang nakapaloob sa kanilang album na pinamagatang "Los Mantikados with Minus One. Ito ang "Ice Buko ni Donato", "Larong Pambata", "Salamat", "Tismosat Bungangera", "Tinukso Mo Ako", "Si Nene, si Nena, Magdalena ay Iisa."
Sa Nob. 15 at 16 ay mapapanood sila sa Cebu City, Ultra Vistarama Theater.
Ang kanyang high rise GA Tower 1 & 2 ay may business center na may internet access, fast food center at isang parmasya. Bukod ito sa mga karaniwang amenities na dulot ng isang condo .
Bukod sa fully furnished ang mga units, may kasama pa itong yaya at katulong sa bahay na kayang bayaran ng mga house owners. O di ba bagong uso. Pero, sabi nga ni G. Lee, "Its all about paying back," dahil bawat gawin niyang bahay ay agad nabibili.