Iba ang naging dating ni Joyce!
October 1, 2005 | 12:00am
Napakataray ng dating ni Joyce Jimenez habang kinagagalitan niya si Maui Taylor doon sa Extra Challenge. Galit na galit si Joyce dahil nahuli ang ka-team niyang si Maui na may dalang cellphone, i-pod at iba pang gadgets na bawal dalhin habang ginagawa nila ang challenge. Dahil doon ay na-disqualify sila,kasi nga nag-break ng rules si Maui.
Ang akusasyon ni Joyce, sinayang ni Maui ang oras niya, dahil pati siya ay nadamay sa disqualification na manalo ng dalawang milyong piso.
Talagang ipinakita nilang galit na galit si Joyce, at hindi lamang minsan yon dahil ang eksena ng tarayan ay ginamit pa rin ng show sa kanilang mga tv plugs. Siguro nga ang tarayang yon ay nakatulong para mas tumaas pa ang ratings ng show na yon, pero ano naman kaya ang epekto noon kay Joyce Jimenez?
Kahit na isang bold star si Joyce Jimenez, nagpapa-sweet image siya. Palagay namin, yon nga ang sikreto kung bakit mabilis siyang sumikat noong araw. Napaka-sweet ng kanyang mukha at ng kanyang ipinakikitang ugali, tapos nag-bold siya.
Pero kung anumang sweetness ang nagawang mai-project ni Joyce noon ay nawalang lahat dahil sa nakitang pagtataray niya sa telebisyon. Siguro nga, hindi na pinapansin yon ni Joyce, after all hindi na siya aktibo sa pelikula at mukhang lumipas na nga ang kanyang panahon. May nagsasabi pa ngang baka dahil sa mala-Bella Flores na pagtataray niya kay Maui ay kilalanin pa siya bilang isang posibleng kontrabida sa mga pelikula at magkaroon siya ulit ng assignments. Pero kung kami ang tatanungin, mukhang disadvantage ni Joyce ang nakitang iyon sa tv.
Lagi nilang ipinakikita ang napakaraming mga nag-aaudition para sa kasunod na StarStruck. Natural yon eh, sino ba naman ang hindi naghahangad na sumikat at kumita ng malaking pera lalo na sa panahong ito na napakahirap na ng buhay, at ang pag-asa na lang ng iba na yumaman ay maging artista.
Akala kasi ng marami, basta artista ay mabilis kumita ng pera at yumayaman. Hindi nila alam na maraming artista rin ang jobless at totoong minsan kung nagkakasakit sila, kailangang ipanghingi pa ng tulong sa mga kasamahan nila.
Ang sinasabi lang namin, magsisimula na naman sila ng panibagong StarStruck, samantalang hindi pa nila napasisikat ng husto yong mga na-discover nila sa second batch. Doon nga sa first batch, may mga avengers pang hindi man lang nakikilala eh. Bakit kailangang paramihin nang paramihin ang mga stars kung hindi naman lahat mabibigyan ng pagkakataon?
Kalat na kalat ang tsismis tungkol sa isang baguhang male star na sinasabing inabuso raw ng isang bading na movie writer. Pero ayaw maniwala ng blind item queen na si Wendell Alvarez sa pakulong yon.
"Kung totoo yon, bakit hindi sila nagdemanda? Bakit puro text ang ginagawa nila? Gimmick lang yan,"sabi ng bungal na blind item queen.
Kung iisipin mo, may punto nga naman siya kasi kung ikaw ang babastusin, ang una mong iisipin ay magdemanda, hindi ang ipagkalat yon sa text.
Ang akusasyon ni Joyce, sinayang ni Maui ang oras niya, dahil pati siya ay nadamay sa disqualification na manalo ng dalawang milyong piso.
Talagang ipinakita nilang galit na galit si Joyce, at hindi lamang minsan yon dahil ang eksena ng tarayan ay ginamit pa rin ng show sa kanilang mga tv plugs. Siguro nga ang tarayang yon ay nakatulong para mas tumaas pa ang ratings ng show na yon, pero ano naman kaya ang epekto noon kay Joyce Jimenez?
Kahit na isang bold star si Joyce Jimenez, nagpapa-sweet image siya. Palagay namin, yon nga ang sikreto kung bakit mabilis siyang sumikat noong araw. Napaka-sweet ng kanyang mukha at ng kanyang ipinakikitang ugali, tapos nag-bold siya.
Pero kung anumang sweetness ang nagawang mai-project ni Joyce noon ay nawalang lahat dahil sa nakitang pagtataray niya sa telebisyon. Siguro nga, hindi na pinapansin yon ni Joyce, after all hindi na siya aktibo sa pelikula at mukhang lumipas na nga ang kanyang panahon. May nagsasabi pa ngang baka dahil sa mala-Bella Flores na pagtataray niya kay Maui ay kilalanin pa siya bilang isang posibleng kontrabida sa mga pelikula at magkaroon siya ulit ng assignments. Pero kung kami ang tatanungin, mukhang disadvantage ni Joyce ang nakitang iyon sa tv.
Akala kasi ng marami, basta artista ay mabilis kumita ng pera at yumayaman. Hindi nila alam na maraming artista rin ang jobless at totoong minsan kung nagkakasakit sila, kailangang ipanghingi pa ng tulong sa mga kasamahan nila.
Ang sinasabi lang namin, magsisimula na naman sila ng panibagong StarStruck, samantalang hindi pa nila napasisikat ng husto yong mga na-discover nila sa second batch. Doon nga sa first batch, may mga avengers pang hindi man lang nakikilala eh. Bakit kailangang paramihin nang paramihin ang mga stars kung hindi naman lahat mabibigyan ng pagkakataon?
"Kung totoo yon, bakit hindi sila nagdemanda? Bakit puro text ang ginagawa nila? Gimmick lang yan,"sabi ng bungal na blind item queen.
Kung iisipin mo, may punto nga naman siya kasi kung ikaw ang babastusin, ang una mong iisipin ay magdemanda, hindi ang ipagkalat yon sa text.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended