^

PSN Showbiz

After 5 years, Imbestigador tinalo ng PBB!

-
Sa nakaraang meeting ng production managers ng GMA 7 ay nabanggit ang pagkakatalo sa ratings ng programang Imbestigador ni Mike Enriquez na nakakuha lang ng 27.7% kumpara sa Pinoy Big Brother na nagkamit ng 30.3% last Saturday.

Medyo nabahala raw ang ilang managers sa meeting dahil sa loob daw ng limang taon ng nabanggit na programa ni Mike ay ngayon lang ito natalo sa rating games.

Considering na late nang pumasok ang reality program ng Dos ay kataka-takang nakakuha pa ito ng 30 plus rating na hindi pa raw nangyayari sa history ng television sa ganung timeslot.

"Nakatulong pa yung suspension kasi mas lalong na-curious ang tao, nakakagulat talaga. As of now, hindi ko pa alam ang feedback sa news regarding Imbestigador," ang pahayag sa amin ng taga-GMA 7.

"Nag-abot kasi ang Imbestigador at Hokus-Pokus na nakakuha naman ng 13.7%, okey lang ang Hokus-Pokus na matalo, wala naman bago ro’n, simula naman nung nag-umpisa yun hindi pa nanalo sa PBB at kung ako nga, hindi ko pinapanood ‘yun, tsaka kasi," say naman ng isa pang staff ng Siete.
* * *
Nagdilang anghel kami sa sinabi namin noon kay Aiai delas Alas na mas bagay siyang host ng talk show na ETK ng ABS-CBN at hindi malayong kunin siya sa programa dahil napataas nito ang ratings. At heto, isa na si Ms. A sa host ng nabanggit na programa, simula sa Sabado, Oktubre 1.

Nung nagpunta kasi ng Amerika si Toni Gonzaga para sa Kapamilya US Caravan ng ABS-CBN ay ang comedy concert queen ang humalili sa kanya at nag-enjoy ang viewers dahil sa kakaibang istilo nitong magtanong sa guests na talagang binubuking niya to the max, pero cute ang dating kaya hindi nagagalit sa kanya.  Dagdag pa ang mga designers clothes niyang ginamit sa show sa loob ng dalawang linggo at ang nakakagulat, umabot sa dobol digits ang ratings ng ETK na ikinaalarma naman ng katapat na programang Startalk.

Sabagay, forte rin naman talaga ni Aiai ang maging host, remember galing siya sa sing-along bars bago siya naging artista kaya’t sanay siya sa barubalang tanong.

Masaya si Aiai dahil finally, madadagdagan na rin ang show niyang nag-iisa, ang My Juan and Only.

"Nakalagay naman kasi sa kontrata ko na two shows, e, isa palang ang ibinigay, ito na siguro yung pangalawa," sambit ni Aiai nang makausap namin.

As of now ay bisi-bisihan ang komedyana sa shooting ng pelikulang Shake, Rattle and Roll ng Regal Entertainment na entry sa MMFF 2005.
* * *
Type kaya ni Boy 2 Quizon ang dalagitang anak ng namayapang Fernando Poe, Jr na si Lovie Poe dahil palihim niyang sinusulyapan ito nung dumalo ito sa 10th year Anniversary ng programang Bubble Gang last Sunday.

Ito ang napansin namin kay Boy 2 dahil papasok palang si Lovie sa pintuan ng venue ay sinusundan na niya ito ng tingin.

Napansin din namin na tiningnan ni Boy 2 mula ulo hanggang paa ang dalagita na nakasuot ng low waisted pink pants at white blouse na litaw ang pusod habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang manager na si Leo Dominguez.

Sumimpleng lumapit si Boy 2 sa kinaroroonan nina Lovie at Leo, marahil nagpapansing maipakilala, pero hindi siya napansin kaya’t bumalik siya sa stage at kunwa’y nakasandal sa dingding at may kausap sa cellphone habang pasulyap-sulyap naman kay Lovie na noo’y nakaupo na sa bandang kanan niya.

Dito namin naisip na hindi pala lahat ng Quizon, e, mabilis sa babae dahil nakitaan namin si Boy 2 na nahihiya pang lumapit para ipakilala ang sarili, siguro naisip niya na marami pa kaming entertainment press na naroon at ayaw niyang maintriga kaagad.

Kaya kung may isyung nanliligaw na siya kay Lovie ay hindi na kami magtataka pa. — REGGEE BONOAN

AIAI

BUBBLE GANG

DAHIL

FERNANDO POE

HOKUS-POKUS

IMBESTIGADOR

LOVIE

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with