Sa Pasto (sa El Pueblo) pa lang, magkasama na sina Sharon at Aga. Doon kasi nag-assemble ang cast ng movie. Kumpleto ang cast at direktor ng movie. Tsikahan-to-death sina Aga at Sharon. Habang pinapalabas ang movie, naluha si Sharon.
Star-studded talaga ang Dubai preem. Um-attend din sina Raymart Santiago, Bayani Agbayani, Bea Alonzo, Donita Rose, Charlene Gonzales, Nikki Valdez, Jenny Miller, Inno Sotto, Girlie Rodis, Maribeth Bichara, Socorro and Virgie Ramos at marami pang iba.
Gustung-gusto ko ang eksena sa movie nina Aga at John Lloyd Cruz. Kukurutin talaga ang puso mo. At ang eksena ni Claudine Barretto sa Luneta. Isa lang ang sasabihin ko, kapag pinanood ninyo ang Dubai, siguraduhing magdala ng panyo o tissue. Tiyak na iiyak kayo pero may ngiti sa inyong mga labi.
At habang tinatapos kong sulatin ang column na ito, nakatanggap na ako ng tawag mula sa Star Cinema na pinipilahan ang movie. Isang blockbuster movie ng Star Cinema.
Ang di maganda, malaswa at marumi ang bibig ng nasabing young star. Sa isang tabloid na nakita ko, inilarawan ni Riza ang naging sex acts nila ni John. Hindi ko kinaya ang mga binitiwang salita ng bold star sa nasabing interbyu.
Nagpainterbyu na rin si John at itinanggi ang nasabing isyu. John, I heard is filing charges against Riza. Sa totoo lang, kasi nakakasira sa reputation ni John ang mga sinabi ni Riza. Lalo pa ngayon na lumalaki na ang kanyang mga anak.
Kung kailan naging good boy si John, at saka naman naglalabasan ang malisyosong balita sa kanya. Hala, mukhang kailangang patunayan ni Riza ang kanyang mga sinabi once na nai-file na ni John ang nasabing asunto.
Mukhang apektado si John. Hindi ito mahilig magpainterbyu. Pero sa latest na isyu sa kanya, talagang nagsalita siya.