Ang gagawin natin ay may sukat na 5,000 metro at magaganap ito sa Disyembre 30, 2005, 6NU hanggang 12 NT sa kanto ng Commonwealth Ave. Ext. at Mindanao Ave. Ext., malapit sa SM Fairview. Ibibigay ito sa pamunuan ng QC, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte at ipadadala sa GWR para ma-authenticate at pagkatapos ay sa UNESCO bilang pagdiriwang ng Intl. Decade for Culture of Peace and Non-Violence for the Children of the World.
Ang ideyang ito ay mula sa isang pintor at scenographer ng mga sikat na palabas sa TV at founding president ng On the Spot Artists Assn (OTSAA), si Rolando S. de Leon.
Ang tema ng event ay Fishes of the Ocean at may theme song itong "Sining ng Pag-ibig para sa Daigdig" na aawitin ni Reuben Laurente ng The Company, music by De Leon at lyrics ni Laurente. Magkakaron din nito ng version si Aiza Seguerra, OTSAA Youth Committee Chairman.
Lahat ng pintor ay inaanyayahang sumali at maging bahagi ng layuning ito. Tumawag lamang sa 4175787/09184731321.
Sa unang episode, ihahatid niya ang manonood sa mundo ng mga manika sa pakikipagsapalaran ng isang bata at ng kanyang mga kaibigan na isinumpa ng tatlong bruha (Ara Mina, Sherilyn Reyes, Alicia Mayer). Kasama rin sina JC de Vera, Karen delos Reyes, Popoy Bardos, Zamierre Benevice at Jopet Concordia.
Kasama si Marco sa Kampanerang Kuba. Kasalukuyan niyang ginagawa ang Mga Batang Bangketa para sa Rosas Films kasama si Camille Prats. Sali rin siya sa MMFFP 05, sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 5 ng Regal Films.
Si JayR naman ay tumatanggap ng good reviews para sa Footloose na napapanood pa rin sa Meralco Theater. Kari-renew lamang niya ng kontrata niya sa GMA7 at kasama sa launching movie ni Bearwin Meily na Hari ng Sablay at Exodus ni Bong Revilla, isa ring entry sa MMFFP 05. Ikagugulat ng lahat ang lalabas niyang bagong TV commercial.